Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Shooting ni Kris sa Star Cinema, wala pang date
Shooting ni Kris sa Star Cinema, wala pang date

Shooting ni Kris sa Star Cinema, wala pang date

WALA pang maibigay na detalye sa amin ang bagong manager ni Kris Aquino na si Erickson Raymundo tungkol sa pelikulang gagawin nito sa Star Cinema at kung kailan ang shooting.

Wala pang final, marami pang inaayos,” sagot sa amin ng Presidente at CEO ng Cornerstone Entertainment.

Nabanggit namin na mukhang tuloy na tuloy na ang shooting dahil nag-post na si Kris sa kanyang social media account at nag-like pa ang dati niyang writer sa Kris TV na si Darla Sauler at nagsabing, “yey, tuloy na.”

Pero ang sangga ni Erickson, “Habang hindi pa nag-roll, hindi pa tayo sigurado.”

Baka pagbalik ni Kris galing Osaka, Japan nitong Linggo ay malalaman na ang update ng Star Cinema project.

READ MORE:  Gretchen Ho, buntis?

Tulad nga ng ipinost ni Kris sa kanyang IG account, “We’ll have to wait until my Osaka, Japan endorsement shoot, factory & showroom tour next week followed by Bimb’s quick family vacation birthday celebration (April 19) for the official announcement of HAPPY work related NEWS we prayed for, Kuya Josh is out of town until Monday.”

Kahapon ay nasa SM Taytay ang Queen of Online World at Social Media, ”I have a webisode shoot for @everbilenaofficial on Sunday @smsupermalls in Taytay.”

Ngayong araw (Lunes) ay, “we’re shooting for @uratexpremium and on Tuesday I have a new endorsement print shoot. Napagod ako sa cooking webisodes, BP is low now 80/60. Bimb is the sweetest, he said he’ll take care of me- so time for us to sleep, rest, and rejuvenate I love you for watching KCAP’s uploads & for keeping my good health & my sons in your prayers… #lovelovelove.”

Kaya sa mga nag-aabang sa pagbabalik pelikula ni Kris at iba pang kaganapan nito sa buhay ay hintayin na lang natin ang mga post niya.

READ MORE:  Lovi, sinampolan ng pagiging Best Actress si Erich
READ MORE:  Sunshine, okey lang na magkaroon ng bagong karelasyon si Cesar

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved