Monday , April 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Instagram ni Jenine, umuusok
Instagram ni Jenine, umuusok

Instagram ni Jenine, umuusok

UMUUSOK ngayon ang social media, lalo na ang Instagram dahil sa larawan nina Janine Gutierrez at Jenine Desiderio na magkasama!

Backgrounder muna; sina Janine at Elmo Magalona ay dating magkarelasyon; ang (rumoured) girlfriend ni Elmo ngayon ay si Janella Salvador na anak ni Jenine.

At isa pang backgrounder, hindi ganoon kaganda ang samahan ng mag-inang Jenine at Janella, hanggang ngayon ay mayroon silang hindi pagkakaunawaan.

Hindi rin close sina Jenine at Elmo.

Kaya naman nang nag-post si Jenine ng larawan nila ni Janine na magkasama ay marami ang nag-react.

Ang caption pa nga ni Jenine ay “Work mode. Jenine X Janine” na sinundan ng smiley na emoticon.

Ang pagsasama nila ay para sa isang upcoming episode ng Magpakailanman ng GMA hosted by Mel Tiangco.

Halos puro postibo naman ang comments ng mga netizen sa litrato ng dalawa, kaya tiyak na magre-rate ang episode kapag ipinalabas na ito sa Sabado.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

 

 

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved