Categories: News

Aguirre out Guevarra in (Sa Justice department)

TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Vitaliano Aguirre II bilang justice secretary.

“But may I just also tell you now that I conferred with the officials. I accepted the resignation of Vit Aguirre, my fraternity brother, as Secretary of Justice. I am now looking for a replacement,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa Gawad Saka 2017 sa Palasyo kahapon.

Batay sa Palace source, si Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra ang itatalagang acting justice secretary.

Matatandaan, naging kontrobersiyal si Aguirre sa umano’y pangingikil ng P50-M ng dalawang Bureau of Immigration officials kay gaming tycoon Jack Lam kapalit ng kalayaan ng 1,316 Chinese na mga empleyado ng Fontana Leisure Parks and Casino.

Sumabit din si Aguirre sa pagbasura sa drug trafficking case laban kina self-confessed drug lord Kerwin Espinosa at Peter Lim.

Noong 4 Enero 2017 ay nilagdaan ni Aguirre ang Department Circular No. 004 na nagsasaad na kailangang pakawalan ang sinomang akusadong nahaharap sa drug related case na may parusang habambuhay na pagkabilanggo habang isinasailalim sa automatic review kapag naibasura ang kaso ng National Prosecution Service (NPS).

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS
Rose Novenario

Share
Published by
Rose Novenario

Recent Posts

PITX walang support system mula sa DOTr? (Para sa maayos na trapiko o lip service lang?)

NOONG una nating mabalitaan ang tungkol sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), isa tayo sa mga natuwa. Inisip natin, isa…

3 hours ago

Natapilok na paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Madam Fely Guy Ong, Matagal ko nang subok ang Krystall Herbal Oil ninyo. Katunayan lagi ko nga itong ipinangreregalo…

3 hours ago

Politika salot sa ekonomiya ng bansa, promise!

KAHIT mangmang na nilalang ay mauunawaan na kapag sobra ang pera sa sirkulasyon at wala namang kaukulang produksiyon ay malamang…

3 hours ago

Lusot si Bam

DAIG ng maagap ang masipag. Ito ang kasabihang maaaring maikabit sa tumatakbong kandidato sa pagkasenador na si Senator Bam Aquino.…

4 hours ago

Bakit pinaslang ng SC ang wikang Filipino?

KUNG sa kasalukuyang panahon pala nabuhay ang pambansang baya­ni na si Gat Jose Rizal ay siguradong sa karsel pa rin siya…

4 hours ago

2,500 Navoteño nagkatrabaho sa cash-for-work

UMABOT sa 2,500 Navo­teño ang kumita ng extra income sa pagkakaroon ng cash-for-work sa Pama­halaang Lungsod ng Navo­tas. Nakatanggap ng…

6 hours ago