Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Lifestyle check ng PACC sa gov’t officials seryoso o papogi lang?!
Lifestyle check ng PACC sa gov’t officials seryoso o papogi lang?!

Lifestyle check ng PACC sa gov’t officials seryoso o papogi lang?!

KAPAG nasa government service wasto lang na mag-set ng mission, vision and goal, lalo na kung regular unit or agency na ang mga namumuno ay career official at may accountability, hindi co-terminus appointment na after their term ‘e hindi na mahagilap.

Sinasabi natin ito dahil sa nabasa nating pasiklab ‘este pronouncement ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) spokesperson Greco Belgica sa isang press conference noong nakaraang Semana Santa sa Manila Yacht Club na lahat ng government official ay isasalang nila sa lifestyle check.

Bilib din naman tayo kay Commissioner Greco, Semana Santa ay nagtatrabaho at nagbabanta sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Ayon sa Commissioner Panghahawakan nila ang resolution no. 3 ng PACC na nagbibigay sa kanila ng awtoridad na magsagawa ng lifestyle checks sa lahat ng government officials.

Ang tanong ay hindi lang ‘yung paano nila ipa­patupad ito kundi, kaya ba nilang gawin at magkakaroon ba ng resulta?!

O baka naman PR as in ‘papogi release’ lang ‘yan?!

Uumpisahan umano nila sa mga ulo-ulo ng bawat departamento/ahensiya ng pamahalaan, isusunod ang local government officials (LGUs), at pagkatapos ay mga mambabatas.

Magiging basehan ng kanilang imbestiga­syon ang sasamsamin nilang kopya ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALNs).

Kapag hindi magkatugma ang SALN at ang estilo ng pamumuhay ng mga nabanggit na opisyal, awtomatikong isasalang sa lifestyle check.

Ang isa pang tanong, gaano kabilis nilang gagawin ito at kung hanggang kailan?!

Walang masama sa sinasabi ni Commissioner Greco lalo na kung kaya nilang gawin ‘yan.

Ang kuwestiyon lang, measurable ba ‘yang sinasabi ni Commissioner?

Hindi ba’t malinaw na sinabi niyang, case build-up lang sila at ipapasa rin nila sa regular na law enforcement agency?!

Paano matitiyak ng PACC na hindi magagamit ang ‘lifestyle check’ na ‘yan sa pananakot at pangingikil? Anong grupo ang nakatalaga para ipatupad ‘yan?! Sigurado bang hindi masusuhulan ang mga itatalaga nilang magtrabaho sa ‘life-style check’ ng isang government official?!

Bakit natin itinatanong ito?

Kasi po, ayaw na nating madagdagan pa ang ‘gulo’ dahil hindi malayong mangyari na magamit ‘yan sa panggigipit lalo na ngayong papalapit na ang eleksiyon.

Huwag pong padalos-dalos sa pagpapapogi, mas maiging magtrabaho na muna kaysa du­maldal.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved