Categories: News

Apelang piyansa ni Napoles tablado sa SC

KINATIGAN ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng Sandiganbayan na hindi payagang makapagpiyansa ang umano’y mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Sa anim pahinang resolusyon ng SC, ibinasura ng mga mahistrado ang motion for reconsideration ni Napoles, na ginamit na katuwiran ang naging desisyon ng korte noong 2016 sa plunder case ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagalo-Arroyo kaya nakalaya ang huli.

Ngunit ayon sa desisyon ng SC, “unmeritorious” ang argumento ng kampo ni Napoles.

“The resolution of this issue does not involve an inquiry as to whether there was proof beyond reasonable doubt that Napoles, or her co-accused as the case may be, was the main plunderer for whose benefit the ill-gotten wealth was amassed or accumulated,” saad sa desisyon ng SC.

“It was sufficient that the denial of her bail application was based on evidence establishing a great presumption of guilt on the part of Napoles,” dagdag sa desisyon kaugnay sa pasya ng Sandiganbayan.

Sinabi pa ng kataas-taasang korte na dapat ipaubaya sa Sandiganbayan ang pasya sa mga inihahaing petisyon ng kampo ng depensa.

Noong nakaraang Nobyembre, kinatigan din ng SC ang naunang desisyon ng anti-graft court na huwag pagbigyan ang hirit ng kampo ni Napoles na makapagpiyansa.

Naniniwala ang mga mahistrado na hindi inabuso ng Sandiganbayan ang kanilang kapangyarihan.

Muling iniapela ng kampo ni Napoles ang naturang desisyon noong Disyembre at ginamit na katuwiran ang naging hatol ng SC noon nang baligtarin ang mga mahistrado ang ginawang pagbasura ng anti-graft court sa “demurrer to evidence” —o ang mosyon na ibasura ang kaso dahil sa kakulangan at kahinaan ng ebidensiya ng kampo ng tagausig  sa kaso ni Arroyo.

Ngunit paliwanag ng SC sa desisyon nito sa mosyon ni Napoles, magkaiba ang usapin ng katibayan at kaso nina Arroyo at ng negosyante.

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Regine at the Movies concert tickets, mabentang-mabenta

TIYAK na magugulo ang New Frontier Theater dahil isang malaking event ang magaganap sa Sabado, ang Regine at the Movies…

1 hour ago

Paolo Contis, pantapat kay John Lloyd

POSITIBO ang lahat ng reaksiyon ng mga nanood ng Through Night and Day premiere night noong Lunes na pinagbibidahan nina Paolo Contis at Alessandra…

5 hours ago

Estudyante ni Ogie Diaz, nag-ala Sarah Geronimo

PASLIT pa lang si Jermae Yape ay hilig na niya ang kumanta at sumayaw. Kaya naman hindi niya ine-expect na aabot…

6 hours ago

Kris, napuno na, business partner, itutuluyan na! (5 beses pinagbigyan, amicable at fair settlement)

ILANG linggo na ang nakalipas mula nang pormal na sampahan ng kaso ni Kris Aquino sa pitong munisipyo sa Metro Manila ang…

6 hours ago

PH nakahanda bilang country coordinator ng ASEAN-China Dialogue Relations

SINGAPORE -Nakahanda ang Filipinas na gampanan ang papel bilang country coordinator ng ASEAN-China Dialogue Relations hanggang 2021. Sa kanyang ‘intervention’…

6 hours ago

Suporta sa ASEAN tiniyak ni Duterte (Sa ayuda sa Rakhine state)

SINGAPORE -  Ginarantiyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong suporta sa mga ginagawang hakbangin ng ASEAN sa pagbibigay ng humanitarian…

7 hours ago