Categories: News

Meat trader, 1 pa hinoldap itinumba ng tandem

NAGING madugo ang Easter Sunday sa Lungsod Quezon makaraan muling umatake ang riding-in-tandem na hinoldap at pinagbabaril ang magkaibigang magkaangkas sa motorsiklo sa Brgy. Batasan Hills, kahapon ng umaga.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar mula kay Supt. Rodelio Marcelo, Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) chief, ang magkaibigang napatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ay sina Charlie Bugarin, 30, meat trader, residente sa Cainta, Rizal, at Albert Urmaza, 31, residente sa Summergreen Executive Village, San Andres, Cainta, Rizal.

Namatay noon din ang dalawang biktima dahil sa mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kanilang katawan.

Ayon sa saksi, dakong 11:00 am, naglalakad siya sa tulay sa San Mateo-Batasan Road, Brgy. Batasan Hills, nakita niyang tumabi at huminto ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.
Pagkaraan ay pinagbabaril nila ang paparating na motorsiklong sakay ang dalawang biktima.

Duguang bumagsak ang magkaibigan, lumapit ang isa sa mga suspek at kinuha ang dalang bag ng isa sa mga biktima, na hinalang may lamang cash mula sa koleksiyon ng pinagbentahang baboy.
Matapos ito ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungong San Mateo, Rizal. (ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS
Almar Danguilan

Share
Published by
Almar Danguilan

Recent Posts

MOA at MOC ikinasa ng PRRC

HIGIT pang pinagtibay ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang kanilang pangakong maibalik ang dating kagandahan ng Ilog Pasig matapos…

2 days ago

Racasa sasabak sa World Cadet chess

MAGTUTUNGO ang country’s youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe Murillo Racasa sa Europa na magtatangka para ma-improve ang kanyang…

2 days ago

Bebot nagbigti sa Las Piñas

WINAKASAN ng isang 25-anyos babae ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Las Piñas City, kahapon ng umaga. Sa…

2 days ago

Nat’l budget bubusisiin bago ipasa — Nograles

BUBUSISIN ang panu­kalang P3.7 trilyong bud­get para sa taong 2019 bago ipasa sa pangatlo at huling pagdinig. Ayon kay Davao…

2 days ago

Magulang sinaksak ng anak

KRITIKAL ang kalaga­yan sa pagamutan ng isang mag-asawa maka­raan saksakin ng kanilang anak na lalaki na sina­sabing may diperensiya sa…

2 days ago

Pateros vice mayor inireklamo ni misis sa pananakit

DAHIL umano sa pro­blema sa pamilya, naga­wang saktan ng bise-alkalde ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa munisipalidad…

2 days ago