Friday , July 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / P100K sa pamilya ng Waterfront Manila Pavilion fire victims pangako ni PAGCOR VP Jimmy Bondoc
P100K sa pamilya ng Waterfront Manila Pavilion fire victims pangako ni PAGCOR VP Jimmy Bondoc

P100K sa pamilya ng Waterfront Manila Pavilion fire victims pangako ni PAGCOR VP Jimmy Bondoc

AKALA natin ay winakasan na ni Jimmy Bondoc ang kanyang karera sa showbiz.

Hindi pa pala…

Lalo na nang ipangako niya sa pamilya ng mga empleyado nilang namatay sa sunog sa Waterfront Manila Pavilion hotel and casino.

Si Jimmy Bondoc ay kasalukuyang vice pre­sident for corporate social responsibility group pero parang emote na emote siya sa kanyang pangako na tila nagso-shooting sa isang pelikula.  Aniya, agad umanong nagpaluwal ng inisyal na tulong at sariling pera si Pagcor Chairperson Andrea Domingo.

At bukod umano riyan ay personal siyang magbibigay tig-P100,000 sa bawat pamilya ng mga biktima.

Hindi kaya overacting ‘yan?!

Napakagalante naman pala ni Madam Didi at ni VP Bondoc — mantakin ninyong mag-aabono sila para maglubag ang loob ng mga pamilya ng mga biktima.

Bakit hindi ipaliwanag ni VP Bondoc kung bakit tapos na ang kontrata ng Pagcor Casino sa Waterfront Manila Pavilion hotel ay naroon pa rin ang casino ng Pagcor?!

Hindi ba’t nagplano nang kumalas ang Pagcor sa Pavilion dahil malaki ang lugi at napakamahal ng rentang binabayaran nila sa hotel ng pamilya Gatchalian?!

Kung umalis na ang Pagcor casino sa Waterfront Manila Pavilion, nadamay pa kaya sa sunog ang Pagcor employees na sina treasury officers Edilberto Evangelista and Marilyn Omadto, at ang security guard na si Billy Rey de Castro?!

Maaaring espekulasyon ang tanong na ito, pero ano kaya sa palagay ninyo ninyo Madam Didi and VP Jimmy Bondoc?!

Pakisagot na nga po?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved