Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Magpinsang Luy at Napoles kapwa whistleblower na (Sa pork barrel scam)
Magpinsang Luy at Napoles kapwa whistleblower na (Sa pork barrel scam)

Magpinsang Luy at Napoles kapwa whistleblower na (Sa pork barrel scam)

INAASAHAN ng Palasyo ang pagtatagisan nina  bilang whistleblowers sa pork barrel scam.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, maaaring magbanggaan ang mga testimonya nina Napoles at Luy sa pork barrel case.

032118_FRONT Hataw Vitaliano Aguirre Peter Lim Kerwin Espinosa Peter Co Duterte Janet Napoles Benhur Luy Aldub Alden Richards Maine Mendoza Juancho Trivino Jadine James Reid Nadine Lustre LizQuen Liza Soberano Enrique Gil Matteo Guidicelli

Si Luy ang tumayong whistleblower laban kina Napoles, dating senador Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla at iba pang opisyal ng pamahalaan sa mga kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Inamin ni Aguirre, nabasag ni Solicitor General Jose Calida ang kredibilidad ni Luy nang maabsuwelto si Napoles sa kasong serious illegal detention na isinampa ng kanyang dating alalay.

“Puwedeng magbanggaan. As a matter of fact, nagbanggaan na nga iyan when the SolGen filed a case for the release of Janet Napoles on the ground that iyong testimony ni Luy is not credible,” sabi ni Aguirre.

READ MORE:  5 estudyante sa Pangasinan naospital din sa pampurga

Matatandaan, binaliktad ng Court of Appeals ang hatol na 40-taon pagkabilanggo kay Napoles ni Makati City Regional Trial Court Branch 150 Judge Elmo Alameda sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Luy dahil sa Manifestation in Lieu of a Rejoinder na inihain ni Calida.

Ani Calida, kontra sa inasal at ginawa ni Luy ang akusasyon niya na binihag siya ni Napoles dahil nakokontak at nabibisita siya ng kanyang mga kapamilya sa panahong iyon.

Binigyan diin ni Aguirre, ang kredibilidad ni Napoles bilang testigo sa mga isasampang bagong pork barrel cases ang panghahawakan ng gobyerno dahil nangako ang ginang na isisiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman sa usapin.

“Basta ang mangyayari rito, ipagpalagay nang credible or incredible iyong si Benhur Luy, magdedepende lang kami rito kay Janet. Siyempre before we admit her, dapat ma-explain niyang lahat, ‘O paano itong kay Benhur Luy na sinasabi?’ Iyan ay hindi ko masasagot iyan, premature pa iyan. But once we put Janet Napoles under the WPP, then we have to rely on her. In other words, bumilib na kami sa kaniya bago namin siya ilagay sa WPP,” dagdag ni Aguirre.

READ MORE:  BI employees pinuri ng Palasyo sa naarestong ISIS (OT pay kahit ayaw bayaran)

Ipinahiwatig ni Aguirre, hindi most guilty si Napoles sa pork barrel scam dahil hindi naman siya taga-gobyerno at high school graduate lang kompara sa mga kasabwat niyang mga opisyal ng gobyerno nang gawin ang pandarambong sa kaban ng bayan.

“Who is more guilty: The public officer or a private person who has just finished high school? So if I put—dito lang ha, parang may depekto na natin na nadiskobre ngayon ang charges sa Sandiganbayan sa kaniya e, kasi ang charges dito is plunder. And plunder is a charge against government official,” sabi Aguirre.

READ MORE:  Warays kasado na sa Poe-Chiz (Kompirmado!)

“Kaya kung ikaw ay nasama rito sa plunder na ito and you are private person, then you are just an ordinary co-conspirator.  I believe that under the circumstances, the public official is more guilty. Thus, Janet Napoles in both instances could be put under the coverage of the WPP because she does not appear to be the most-guilty,” aniya.

Nauna nang isiniwalat ni Napoles noong May 2014 sa kanyang affidavit na si dating Budget Secretary Butch Abad  ang nagturo sa kanya na magtayo ng foundations para pagkakitaan noong congressman ng Batanes ang opisyal noong 2000.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved