Thursday , April 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Judy Ann, nakakaramdam na ng ‘pagkawala’ sa showbiz?
Judy Ann, nakakaramdam na ng ‘pagkawala’ sa showbiz?

Judy Ann, nakakaramdam na ng ‘pagkawala’ sa showbiz?

IKINATUTUWA ni Judy Ann Santos na maraming sikat (at sumisikat pa) na mga young star ngayon, isang senaryo na pinagdaan niya noong child star at hanggang naging teenstar siya.

I’m grateful na ‘pag nakikita ko kung gaano karami ‘yung mga sikat na teenstar ngayon, napapangiti ka kasi you were once there,” wika ni Judy Ann.

At ang nakabibigla pa niyang sinabi ay,

And alam ko ‘yung feeling na ‘yun and time will come that people will just forget you. 

Nandoon ako sa gitna, alam mo ‘yun? One day darami pa ito, kami pawala na kami ng pawala but then again babalik pa rin tayo sa roots na you know what? Life is good!”

Na sinagot naman naming malayo pa siya sa punto na makakalimutan na siya ng publiko at “pawala na kami ng pawala” dahil sa kasalukuyan ay isa siya sa pinakasikat na aktres sa Pilipinas.

Na kapag may baguhang artista ay madalas na nababanggit ang pangalang Judy Ann Santos kapag tinanong kung sino ang idolo o kung sino ang gustong makatrabaho.

Thank you. Thank you, siyempre. Siyempre nakaka-proud. 

“Kaya nga eh, babalik ka roon sa wala akong pinagsisihan sa mga… siguro kung tinanong mo ako ten years ago kung may pinagsisihan ako sa mga pelikulang ginawa ko rati, sasabihin ko talaga, ‘Oo, marami.’

Pero ngayon iba na. Kasi na-realize ko, ‘yung mga ginawa kong pelikula noon, pipitsugin man o de-kalidad, pera-pera man or kung ano pa man, ang dami kong natutuhan!

Ang dami kong na-experience, sa lahat ng iyon. Ang dami kong nakilala, sa pinakamayabang hanggang sa pinakamabait, hanggang sa akala mo tarantado hindi naman pala.

“‘Yung ang dami kong na-realize, looking back, na, ‘My God! Napakabilis talagang mag-judge ng mga tao. Na parang oo nga naman, noong time na ‘yun ang judgmental ko.

Ayoko ng ganito, ayoko ng ganyan kasi baka ganito, baka ganyan.

“Ngayon ‘pag iniisip ko, baka dapat ko rin talaga siyang pagdaanan. Kasi baka kung hindi, iba rin sigurong tao ako ngayon. Iba ‘yung pananaw ko sa mga tao sa paligid, na parang totoo, lahat naman talaga ng nangyayari may ibig sabihin.

“‘Yung lahat ‘yan malalaman mo ang sagot ‘pag mas matanda ka na.

“Hindi agad-agad,” saad pa ng aktres.

RURU,
MAY UTANG
NA LOOB
KAY ALDEN

TUMATANAW ng utang na loob si Ruru Madrid kay Alden Richards.

Kami ni Alden para kaming magkuya na talaga dahil siya ‘yung nag-a-advise sa akin para siguro para mas tumagal din sa industriya.

Sobrang ano naman siya eh, like kapag may tinatanong ako sa kanya about dito sa showbiz or ano, lagi naman siya ‘yung unang tumutulong sa akin. Siyempre mas nauna pa rin naman siya sa akin [na maging artista].

Siya ‘yung nagturo sa akin paano pumi-R [PR], ‘yung mga ganoong bagay.”

Magkasama sila ni Alden sa Sunday PinaSaya.

Walang anumang tampuhan na namamagitan sa kanila dahil kay Ruru napunta ang dapat na role ni Alden sa isang serye.

Wala! Kumbaga paminsan nga asaran pa eh, ‘Uy dapat, sa akin ‘yan, ah!’

“Siyempre sobrang happy din ako na kumbaga naibigay sa akin, dahil siyempre para ibigay kay Alden ‘yung isang project ibig sabihin malaking proyekto ‘yun dahil siyempre Alden ‘yun.”

Tuwing nagkikita sila ni Alden ay kinukumusta nito kay Ruru ang naturang serye.

JANINE
GUTIERREZ,
HANDA
SA BASHERS

SPEAKING of Alden Richards, wala pang kompirmasyong nagaganap pero umiikot na ang balitang si Janine Gutierrez ang makakasama ni Alden sa bagong show ng Kapuso Bae, ang Mitho.

Kaya tinanong namin ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon kung handa na ba si Janine na ma-bash ng bashers, some of which ay fans (umano) ng AlDub tandem nina Alden at Maine Mendoza.

Handa naman ang anak niya, ayon kay Lotlot.

Alam mo naman si Janine, deadma ‘yan, hindi ‘yan pumapatol sa bashers,” pakli ni Lotlot.

Kahit nga kasi noong bagong pasok pa lang si Janine sa showbiz ay na-bash na agad ito nang ipareha kay Elmo Magalona dahil may supporters pa that time ang tandem nina Julie Anne San Jose at Elmo o JuliElmo.

And hanggang sa ngayon, napraktis na nga ni Janine ang “the art of deadma” kaya kahit anong pamba-bash ay never sumagot ang magandang Kapuso actress.

RATED R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved