Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JaDine, nagpaka-daring na
JaDine, nagpaka-daring na

JaDine, nagpaka-daring na

NAGING maayos at very polite ang pagtanggi nina Nadine Lustre at James Reid kaugnay sa isyung live-in at sex sa presscon ng kanilang bagong pelikula, ang Never Not Love You  ng Viva Films.

Kaya naman never na-offend o naimbiyerna ang mga press na nagtanong at gustong malaman ang sagot ng dalawa kaugnay sa nasabing hot question.

“Sobrang sensitive topic po niyan (sex), kaya hindi ko na lang po sasagutin,” sey ni Nadine, na sinegundahan naman ni James.

Ito na yata ang maituturing na pinaka-daring na pelikula ng dalawa ayon na rin sa teaser nito na maraming eksenang halikan ang dalawa.

BARANGAY LS97.1
AT DZBB 594, WAGI
SA GANDINGAN 2018

WAGI ang Barangay LS 97.1 bilang Most Development –Oriented FM Station habang Best FM Program Host si Papa Dudut at Most Development- Oriented FM Program ang Radyo Nobela sa katatapos naGandingan 2018 The 12th UPLB Isko’t Iska’s Multi-Media Awards.

Habang wagi rin ang AM station ng Kapuso Network, ang DZBB 594 bilang Most Development-Oriented AM Station at ang Saksi sa Dobol B bilang Most Development –Oriented AM Program. Maging ang ilang TV Programs at TV Personalities ng GMA ay waging-wagi  sa katatapos na Gandingan 2018.

Tumanggap din ang inyong lingkod (aka Janna Chu Chu) ng award mula naman sa 38th Peoples Choice Awardbilang Outstanding DJ/Broadcaster 2018.

SYLVIA SUWERTE
SA PAMILYA, CAREER
AT NEGOSYO

WIN na win sa puso ng manonood ang teleseryeng Hanggang Saan na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez sa taas ng ratings na nakukuha nito.

READ MORE:  Guesting ni Pia sa Kris TV, tuloy pa rin!
READ MORE:  Relasyon ng sikat na female personality kay papable na atleta, usap-usapan na

Kaya naman sobrang happy ang mahusay at napaka-generous na actress dahil habang tumatagal ay pataas ng pataas ang ratings ng kanyang teleserye.

At kung winner nga ang Hanggang Saan, winner din sa puso ng mga Pinoy ang ineendoso nitong beauty clinic/ products na Beautederm na pag-aari ng napakabait na si Ms Rei Anicoche-Tan.

READ MORE:  Juday, ‘di pa kontento sa 32 lbs. na nabawas sa timbang

Sunod-sunod  ang pagbubukas  ng mga bagong Beautederm Clinic at branch ng Beautederm na nagsu-suplay ng mga produkto nito.

Effective ang produkto nito para maging maganda at smooth ang kutis ng bawat isa at bukod sa mga beauty products ay nay iba pang produkto ang Beautederm na talaga mamang swak na swak sa panlasang Pinoy.

Both winner nga si Sylvia sa career at pagiging endorser na ngayon ay pinasok na rin ang pagnenegosyo.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved