Thursday , July 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / BeauteDerm ambassador na si Carlo Aquino, tampok sa Miss City of San Fernando, La Union
BeauteDerm ambassador na si Carlo Aquino, tampok sa Miss City of San Fernando, La Union

BeauteDerm ambassador na si Carlo Aquino, tampok sa Miss City of San Fernando, La Union

SPECIAL GUEST ang guwapitong aktor na si Carlo Aquino sa gaganaping Miss City of San Fernando, La Union 2018 na magaganap sa March 20, 2018, sa City Plaza, City of San Fernando, La Union.

Matapos ng ma-tagumpay nilang pelikulang Meet Me In St. Gallen ni Bela Padilla, tuloy-tuloy sa pag-arangkada ang career ng magaling na actor.

Nang makapa-nayam namin ang CEO at owner ng BeauteDerm na si Ms. Rei Tan, inusia namin ang ukol sa event na ito. “Same lang ang venue, co-presenter na kasi tayo, Meet and Greet at ‘yung Miss City of San Fernando, both babies ko ay nandoon.

“Kasama kong judge roon sina Shamcey Supsup at Joy Ortega. Nandoon din sa event si Joshua Garcia at si Lucky Manzano ang host naman po.

“Si Carlo ay kakanta rito sir, ise-serenade niya ang candidates and ‘yung mga audience,” wika ni Ms. Rei na nabanggit din na ang billboard ni Carlo para sa BeauteDerm ay lalabas na next month.

Si Carlo ang isa sa pam­batong BeauteDerm ambassador. Hindi lang proud endorser ng BeauteDerm ang magaling na aktor, kundi proud user din. Pinatototohanan ng magaling na si Carlo na sadyang very effective ito para ma-maintain ang kanyang kaguwa-pohan at maging fresh and younger-looking lagi, kabilang sa puhunan niya sa pag-aartista ang naturang produkto.

Ang iba pang BeauteDerm ambassadors ay ang star ng top ra-ting TV series na Hanggang Saan na si Ms. Sylvia Sanchez, pati na sina Matt Evans, Shyr Valdez, Jaycee Parker, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Maricel Morales, atbp.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved