Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 20 bahay, pabrika ng Banana chips natupok (Sa Kawit, Cavite)
20 bahay, pabrika ng Banana chips natupok (Sa Kawit, Cavite)

20 bahay, pabrika ng Banana chips natupok (Sa Kawit, Cavite)

UMABOT sa 20 bahay at isang pabrika ng banana chips ang natupok sa Brgy. Tabon 1, Kawit, Cavite, nitong Sabado.

Hindi pa tiyak kung paano nagsimula ang sunog dakong 9:00 pm, ayon kay fire marshal, S/Inspector Hayceeline Obligar.

READ MORE:  P6-Bilyon ibinayad ng PAL

Mabilis aniyang kumalat ang apoy dahil malakas ang hangin at gawa sa light materials ang mga bahay.

READ MORE:  Endo dedo kay Digong (Hanggang 2017 na lang)

Tinatayang P500,000 halaga ng mga ari-arian ang natupok sa dalawang oras na sunog. Ngunit walang iniulat na nasaktan o namatay sa insidente.

READ MORE:  China bagong supplier ng armas sa PH

Pansamantalang pinatuloy sa barangay hall ang ilan sa mga residen-teng nasunugan.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved