Monday , April 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ilang eksena sa Ang Probinsyano, iniaangal
Ilang eksena sa Ang Probinsyano, iniaangal

Ilang eksena sa Ang Probinsyano, iniaangal

MABUTI at natuldukan na ang yugto nina Joko Diaz at Eddie Garcia sa FPJ’s Ang Probinsyano.

May mga umaangal na sa kuwento ng aksiyong seryeng ito ni Coco Martin na dapat sanaý pambata pero nagkakaroon ng mga brutal na pangyayari.

Nariyan ang isang naghihingalo na pero tinuluyan pa ng grupo ni Joko. Kawawa naman na kung patayin sa eksena ay ganoon na lamang.

Mabuti pa grupo nina Susan Roces at Jhong Hilario dahil puro palitan na lang ng kani-kanilang kuro-kuro ang eksena.

ALDEN, KAY JANINE
NA IPAPAREHA

MALABO na talagang magkabalikan sina Maine Mendoza at Alden Richards sa kanilang mga project. Magsosolong lakad kasi si Alden dahil kay Janine Gutierrez na siya ipapareha kasama si John Estrada.

Lumipat na si John sa Kapuso Network matapos patayin ang karakter sa The Good Son ng ABS-CBN.

Lumalamig na yata ang dati’y mainit nilang paglalambingan.

Nagsosolo na rin si Maine sa Sugod Bahay at si Alden naman sa Eat Bulaga Broadway studio.

Sa mangyayaring ito, mapapatunayan nila kapwa kung talaga bang makakaya nilang magsolo at magpalit ng kapareha.

 

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

COMMENTS

About Vir Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved