Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Dapat gayahin ng mga ‘epal’ si Ice Seguerra
Dapat gayahin ng mga ‘epal’ si Ice Seguerra

Dapat gayahin ng mga ‘epal’ si Ice Seguerra

GENUINE ang ‘balls’ ni Ice Seguerra nang maghain siya ng resignation bilang Chairman ng National Youth Commission (NYC).

Dinaig pa niya ang mga epal nang epal lang sa gobyernong Duterte.

Magugunitang si Ice at ang kabiyak na si Liza ay ilan sa mga celebrity na sumuporta noon sa kandidatura ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya hindi na tayo nagulat nang italaga silang mag-asawa sa go­byerno — si Ice sa NYC at si Liza sa Film Development Council of the Philippines.

Mahigit isang taon pa lang si Ice sa NYC mula noong Agosto 2016, heto at nagdesisyon na siyang magbitiw.

Personal ang rason ni Ice at ayaw na niyang isapubliko kung ano ito.

Kaya naman lalo tayo bumilib kay Ice. Buong-buo ang paninindigan at respeto sa serbisyo publiko.

Hindi katulad ng iba riyan na sumampay lang sa kampanya ni Digong nang makitang wala nang pag-asa ang mga sinuportahan nilang politiko, hayun at nakasabit pa sa administrasyong Duterte.

READ MORE:  Anti-colorum  ng LTO-LTFRB sa area ng SPD

Mga dating walang trabaho at ginagawa, pero ngayon gumanda na ang bihis at kung pumorma, magara pa kay Tatay Digong.

Walastik!!!

Mga dating espiya ng kalaban ni Digong na nakapuslit sa administrasyon at ngayon ay ‘yung mga genuine supporter pa ang tinatrabahong malaglag sa kuwadra ng Pangulo.

Bakit hindi sila ang magsipag-resign!?

Siyempre hindi nila gagawin ‘yun. ‘Yun ang ultimong layunin nila kaya panay ang sabit sa mga politiko tuwing eleksiyon. Pagkitaan sa panahon ng kampanya, kapag lumakas at nanalo, buwenas, dahil pipiliting magkapuwesto.

Kapag sa panahon ng kampanya ay olat at mahina, sisingkaw papunta sa kabilang bangka saka ilulublob ang talunan.

Meron namang mga segurista, dalawang kandidato ang dinidikitan at sinusuportahan para nga naman tuhog pareho!

Maraming ganyang klaseng tao ang naka­sabit ngayon sa administrasyon ni Digong.

Kaya huwag tayong magtaka kung bakit sa kabila ng malasakit ng Pangulo sa mamamayan ay may mga diskontento pa rin.

READ MORE:  Enrile, bayani ng EDSA nakakulong pa rin

Ang rason, mayroong mga hindi nababagay sa administrasyong Duterte.

Kung totoo ang malasakit ng mga ‘epal’ kay tatay Digong, at kung totoong sila ay may yagbols, tama na ang halos dalawang taon.

Ibigay ang puwesto sa mga karapat-dapat at tamang tao.

Tsupi!

DINARAYONG BEACH
RESORT SA BUONG
BANSA NABULABOG
SA BORACAY SCAM

HINDI lang mga negosyante sa Boracay ang nataranta, lahat ng lugar o lalawigan sa bansa na dinarayo ang dalampasigan ay biglang na­bulabog dahil nag-ikot na ang mga operatiba ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kung hindi pa nagbanta si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi pa matataranta ang mga establishment na may malalang paglabag sa DENR law.

Nagkukumahog ngayon ang karamihan ng mga establishment sa pagkuha ng Environmental Compliance Certificate (ECC) at katakot-takot na repair at konstruksiyon sa mga kakulangan nila gaya ng septic tank (pozo negro) at sewage system.

Kaya hindi lang Boracay ang nagkukumahog ngayon, pati ang Puerto Galera, El Nido, Siargao sa Surigao del Norte, mga beach resort sa Zambales, sa Pagudpod sa Ilocos Norte, sa Camarines Sur at sa iba pang lugar na sinasalaula ang mga dalampasigan, lahat ‘yan ay ginagalugad na ng DENR.

READ MORE:  Atty. Rhea Gregorio Mahusay na Customs Collector

Kailangan pa talagang mag-alboroto ng Pangulo para kumilos ang mga taga-DENR.

Tsk tsk tsk…

Sana pagkatapos nito ay matuto na ang  mga negosyanteng puro kita lang ang pinagtutuunan ng pansin at walang pakialam sa kanyang mga tauhan lalo sa kalikasan at kapaligiran.

Sana lang ay huwag magpaareglo ang mga taga-DENR lalo na ‘yung mga nasa lalawigan. Huwag sana silang magpatukso sa salapi ng mga salaula sa kapaligiran.

Iligtas natin ang magaganda at dinarayong isla at dalampasigan sa buong bansa.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved