Friday , March 29 2024
sk brgy election vote

Barangay & SK elections kanselado na naman? (Galit na ang bayan!)

HUWAT?!

Kanselado na naman ang Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections na itinakda sa buwan ng Mayo.

Muntik na ngang magsapakan sa Kamara ang mga mambabatas. At maging si ACT party-list Rep. Antonio Tinio na kilalang militante pero mahinahon ay nakapagsabi na ng salitang, “Ang kakapal ng mga mukha ninyo!”

‘Yan ay dahil ipinagpaliban na naman hanggang sa Oktubre ang BSK elections. At mukhang totoo nga ang kanilang sapantaha na nais isabay sa plebesito.

Aba, halos siyam na taon nang  nakaupo ang mga barangay officials ngayon. ‘Yung iba nga, mga nangatodas na at pinalitan na ng kanilang mga 1st kagawad.

Sa hanay naman ng mga SK officials, marami sa kanila ay may mga asawa at anak na. ‘Yung iba nga nagpapaaral na ng mga anak.

Ibig sabihin ganoon na katagal ang panahon na masasabing overstaying na ang barangay officials sa kani-kanilang lugar.

Sa ganang atin, pinakamainam na ituloy ang BSK elections lalo’t nahaharap sa midterm elections ang bansa.

Ang paglilinis sa hanay ng barangay officials na sinasabing nasa narco-list ni Pangulong Ro­drigo “Digong” Duterte ay nararapat lamang.

At ang unang hakbang, ilaglag sila sa BSK elections.

‘Yun na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *