Friday , April 19 2024

Sereno bigyan ng pagkakataon sa impeachment court

LALONG umiingay ang panawagan para kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbitiw na sa kanyang puwesto habang hindi pa tuluyang nasisimulan ang impeachment case laban sa kanya.

Sa ginawang panawagan ng mga empleyado ng Korte Suprema at grupo ng mga hukom, hiniling nila na magsakripisyo na ang Punong Mahistrado at magbitiw na para sa katahimikan na rin ng sambayanan at ng buong hudikatura.

Tila ginatungan pa ito ng Malacañang at pinayohan si Sereno na pansinin at dinggin ang panawagan sa kanya ng mga em­pleyado ng Korte Suprema. Ito ay dahil hindi lang naman daw iilan ang may kagustuhan nito at ito na ang pinakamainam na gawin para maibalik sa ayos ang gusot na dala ng kontrobersiya.

Pero mariin ang paninindigan ni Sereno na hindi siya magbibitiw. Handa raw niyang harapin ang lahat ng mga akusasyon laban sa kanya sa tamang lugar at sa tamang panahon.

Sa isang patas na labanan, hindi dapat pilitin ang Punong Mahistrado na siya ay pagbitiwin, lalo pa’t may paniniwala siya na kaya niyang ilaban ang kanyang kaso para malinis ang kanyang pangalan.

Maaaring sabihin ng ilan na ito na ang pinakamadaling paraan para tuldukan ang problema sa Korte Suprema, para hindi na mag-aksaya pa ng pera, panahon at pagod sa pagpupursigi ng kaso laban sa kanya. Pero, hindi sa lahat ng panahon na ang pinakamadaling paraan ay iyon rin ang tama at makatuwirang paraan.

Hayaan natin si Sereno na lumaban nang patas sa isang prose­so na pinaniniwalaan pa rin niyang walang kikilingan. Bigyan siya ng pagkakataon na marinig ang kanyang panig sa tamang lugar at sa tamang panahonsa pagharap niya sa impeachment court.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *