Saturday , April 20 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Senator Juan Ponce Enrile nagboluntaryong maging taga-usig ni CJ Lourdes Sereno

MUKHANG gusto na namang mag-landing sa history ni Senator Juan Ponce Enrile.

Boluntaryo siyang nagpresenta para maging prosecutor sa impeachment trial ni Suprenme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ang sabi niya kay House justice committee chairman, Rep. Reynaldo Umali, nais niyang ibahagi ang kanyang ‘institutional memory’ sa prosekusyon ni CJ Sereno.

Agad naman itong sinunggaban ni Rep. Umali.

Huwag nating kalimutan na si Enrile ang Senate President at naging presiding judge sa impeachment trial ng sinundan ni Sereno — ang namayapang CJ Renato Corona.

‘Yun ‘yung panahon na sinermonan ni Enrile ang House  prosecution team dahil umano sa masagwang pagkakagawa ng impeachment complaint.

Sa tono ng pananalita ni House justice committee chair, Rep. Rey Umali, nakahanda umano siyang mag-give way bilang  head ng prosecution team alang-alang sa matalas na pag-iisip at ‘institutional memory’ ni Enrile.

Ganern!?

Sakali mang ma-impeach si Sereno, gaya nang nangyari kay Corona, maulit din kaya ang nangyari kay Enrile?!

Kung maaalala natin, matapos noong ma-impeach si Corona, sumunod naman ang pagka­kasangkot ni Enrile sa pork barrel scam noong 2014.

Minabuti ni Enrile na sumuko sa Camp Crame at isinailalim sa hospital arrest. At noong 2015, pinayagan siya ng korte na maglagak ng piyansa kaya siya nakalalaya ngayon.

At mukhang ‘yun ang nakalilimutan ni Senator Enrile. Siya ay nakalalaya sa konsiderasyon ng Supreme Court for humanitarian reason dahil siya’y may sakit at matanda na.

Ibig sabihin malakas na naman si ‘Tanda’ at wala nang dinaramdam na sakit?!

Hindi kaya maalala ng mga Mahistrado na dapat na siyang ibalik sa kustodiya ng pulisya?

Ang mga bumoto noon para makapaglagak ng piyansa si Enrile ay sina Associate Justices Presbitero Velasco Jr., Teresita Leonardo-De Castro, Arturo Brion, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Jose Perez, at Bienvenido Reyes.

Habang ang anim na mahistrado na sina Antonio Carpio, Mariano Del Castillo, Estela Perlas-Bernabe, Marvic Leonen, Alfredo Caguioa, at si Chief Justice Maria Lordes Sereno ay hindi sumang-ayon sa majority.

Nag-abstain si Associate Justice Francis Jardeleza abstained, at si Associate Justice Jose Mendoza ay on leave.

Hindi kaya kasama ang pangyayaring ‘yan sa ‘institutional memory’ ni Enrile at ngayon ay tila gusto na naman niyang magpabida?!

Just asking lang po…

DIVORCE BILL
UMIINIT NA
SA KONGRESO

MATINDI ang pagtutol ni party-list Rep. Lito Atienza sa pinag-uusapang Divorce Bill ngayon sa Kamara at sa Senado.

Ayon kay Rep. Lito Atienza, hindi siya papayag na magtagumpay ang Divorce Bill.

Gagawin niya ang lahat para hindi makapasa sa Kongreso ang Divorce Bill.

Ganoon din naman sina Senate Majority Leader Vicente Sotto III at Senator Sherwin Gatchalian.

Sabi nga ni Senator Sotto, ililibing nila sa Senado ang Divorce Bill.

Sa ganang atin, mas makabubuting makapasa sa Kongreso ang Divorce Bill.

Kung tutuusin mas makatutulong ito sa mga mag-asawang hindi na talaga magkasundo kaysa Anulment process na napakamahal na ubod pa nang tagal.

Huwag sanang itali ng mga mambabatas sa kanilang mga personal na karanasan at personal na paniniwala ang Divorce Bill.

Kung maaprobahan ito, dapat na pabor sa interes ng mas malawak na mamamayan hindi sa interes ng mga mambabatas lamang.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *