Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Komedyana, napikon sa isang faney
Komedyana, napikon sa isang faney

Komedyana, napikon sa isang faney

HUWAG na huwag kang magkakamaling ikompara ang sikat na komedyanang ito sa mga kapwa niya babaeng payaso, or else ay paghandaan mo na ang pag-ismid niya sa iyo.

Ito ang napagtanto ng isang faney na minsang nagkaroon ng tsansang makalapit sa komedyana sa premiere night ng isa niyang pelikulang kung tutuusi’y flopey naman.

READ MORE:  Claudine, tinawag na sinungaling si Gretchen

Sey daw ng fan nang makaharap niya ang hitad, ”Uy, alam mo, mas magaling pa sa ‘yo si (neymsung ng kapwa niya komedyana na may dyowang afam ngayon), ‘di ka naman talaga nakatatawa, eh!”

Namula raw sa pagkapahiya ang komedyana dahil biro man daw ‘yon mula sa isang faney ay maraming tao ang nakarinig.

READ MORE:  Pagkakaibigan ng ElNella, lumalim dahil sa Born For You

“Actually, hiniram lang niyong faney ang parehong line ng isang beking reporter, na ikinawindang ng lola mo. Simula kasi noong sabihan siya ng ganoon ng reporter, kahit saan sila magkita, eh, nanunulis ang baba ng komedyana sa kaiirap sa kanya! At ang the height, banned pa raw ‘yung reporter na ‘yon sa mga presscon ng lola mong namemersonal din pala!” sey ng aming source.

READ MORE:  Wally, magbabalik-Eat Bulaga! na?!

Da who ang komedyanang pikon? Itago na lang natin siya sa alyas na Linda Alaska Sibasib.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved