Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / BeauteDerm CEO Rei Tan pararangalang muli!
BeauteDerm CEO Rei Tan pararangalang muli!

BeauteDerm CEO Rei Tan pararangalang muli!

BIBIGYANG muli ng pagkilala ang CEO at owner ng BeauteDerm na si Ms. Rei Tan bilang Outstanding Professional Awards (OPA) in the Philippines mula sa Superbrands. Pagkilala ito ng Superbrands sa naiaambag ni Ms. Rei sa business industry sa kanyang corporate leadership, strategic innovation, at excellence sa pagpapatakbo sa BeauteDerm. Ito’y patunay ng kalidad at mahusay na produkto ng business niya.

Sa kanyang FB post, sobrang thankful ang lady boss sa natamong parangal: “Huwaw! And another blessing! All for you Lord! #OutstandingProfessionalAward  #Superbrands #internationalStandardsofOperations”

Ang letter mula Superbrands ay nagsasabing: “You are hereby selected to receive the Outstanding Professional Awards (OPA) in the Philippines which will take place in Makati City on Wednesday, 29th of June 2018. The decision to present this award is the result of research and analysis carried out through leaders, civic group, entrepreneurs and public relations strategists directed by the council members of SUPERBRANDS to recognize your contributions, in terms of Corporate Leadership, Strategic Innovation and Excellence.

READ MORE:  Pelikula ni Atom, nakahihinayang

“The SUPERBRANDS Selection Committee Council used, as a basis, the criteria contained in the International Standards of Operations (ISO) Model which, in conjunction with the presentation of your projects and accomplishments and admired as one of the leading Local Chief Executive in the country.”

READ MORE:  Lea, kakanta ng theme song ng Dyesebel

Kamakailan ay sumabak sa pictorial sina Ms. Rei at Matt Evans & Carlo Aquino sa studio ni Pareng Edward dela Cuesta. Sina Matt at Carlo ay hindi lang proud endorsers ng BeauteDerm, kundi proud users din sila. Pinatototohanan ng dalawang magaling na actor na sadyang very effective ito para ma-maintain ang kanilang kaguwapohan at maging fresh and younger-looking lagi, puhunan nila sa kanilang pag-aartista ang naturang produkto.

READ MORE:  Lovelife ni Herbert, ipinagno-novena ni Harlene

Nalaman din namin sa social media account ni Ms. Rei na magkakaroon ng Meet and Greet ang kanyang Beautederm ambassadors this May sa BonHam Road, Hong Kong. Ang iba pang endorsers nila ay star ng top rating TV series na Hanggang Saan na si Ms. Sylvia Sanchez, pati na sina Shyr Valdez, Yayo Aguila, Jaycee Parker, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Maricel Morales, atbp.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved