Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Acting ni Gerald, mala-John Lloyd Cruz; pagka-Miss Universe ni Pia, nawala
Acting ni Gerald, mala-John Lloyd Cruz; pagka-Miss Universe ni Pia, nawala

Acting ni Gerald, mala-John Lloyd Cruz; pagka-Miss Universe ni Pia, nawala

GRABE pala ang mga salitang narinig nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach mula sa kanilang direktorang si Cathy Garcia-Molina bago nila umpisahan ang shooting ng My Perfect You.

Sa media conference ng pelikulang My Perfect You ay inamin ni direk Cathy na talagang sinabihan niya ang dalawang artista niya na hindi niya type ang acting ni Gerald sa mga nagawa na nitong pelikula. At si Pia naman ay inalam niya kung ano ang kaya nitong ibigay.

Pinagkuwento si direk Cathy tungkol sa karanasan niya sa dalawa.

“Ano gusto mong sagot (bulong kay Gerald), ha, ha, ha actually hindi talaga ako pupunta kasi kailangan ako sa editing ngayon but I wanna go there because I only have good things to say about the two (lead stars).

Gerald Anderson my perfect you

“Ako naman po, I been always honest to everyone na sa sobrang honest at minsan nakaka-offend na ako, then I talked to both of them and they know from the very start na I told ‘Ge na, ’Ge, alam mong hindi naman ako naguguwapuhan sa ‘yo, (sagot ng aktor), ‘opo, sinabi ni direk Mae (Cruz).’

“Tapos si Pia alam din niya na unang kita ko palang sa kanya, ‘ay ang taba mo! Hindi masyadong maganda si Pia ‘no?’ (napangiwi ang ex-beauty queen). Honest lang naman ako, sabi ko, ‘wala akong alam kung anong acting capabilities ninyo, kasi si Pia, Pia Romero ko pa siya noon kilala, bata pa ako at maliit (maiksi) na panahon ko palang siya nakikita noon sa TV.

pia wurtzbach my perfect you

“Si Gerald naman, I watched his films and my favorite was the one with Arci (Always be My Maybe), sabi ko sa kanya, ‘uy ha nagustuhan kita roon. Kasi hindi ko siya (Gerald) gustong umarte, ha, ha, ha really, totoo ‘yan!  Doon ang starting namin and I think that’s good if I don’t like my actors because it turns out always at the end of the movie that I get to like them and in fact, I love them.

“’Ge, sobra po, tinapak-tapakan ko ang ego ng taong ito. Wala ng preno ang bibig ko and all for one intention. I want to bring out who Gerald really is or maybe ‘Gerald can give kasi nga precisely sabi nga, rom-com actor so ano pa ang ipakikita namin? Hindi siya katulad ni Pia na empty canvass pa.

Gerald Anderson my perfect you

“Kaya sabi ko kay ‘Ge, gusto kong makita pa kung hanggang saan ang range mo and siyempre lalaki, ang hirap ng ego and it’s getting in the way but I admire him for allowing na tapakan nga siya at rendahan. 

Gerald Anderson pia wurtzbach cathy garcia-molina my perfect you

“Di ba sabi ko hindi siya guwapo para sa akin, finally may isang sequence sabi ko, ‘uy pogi ka na roon. Partida ito pa ‘yung gulu-gulong buhok tapos may part siya sa movie na maiksi ang buhok and I’m so scared I might not see Bern (karakter) anymore, I might see Gerald and I don’t want to see Gerald talaga, so finally kinunan namin, sabi ko, ‘ikaw pag nakita ko si Gerald Anderson lagot ka sa akin.’

Gerald Anderson my perfect you

“So grabe ang effort niya, kasi ang hitsura niya, very Gerald na, pero wala akong nakitang Gerald. May kinunan nga kami malapit na sa ending take one. So habang nanonood ako, opps nakita ko si John Lloyd (Cruz). It’s a performance, a sincere performance that I only get from a John Lloyd Cruz, in fairness naman, hindi ko alam kung good thing o bad thing sa ‘yo ‘yun, anak (sabi kay ‘Ge). To me, it means I saw a sincere performance and to me, ‘yun na ‘yun!

gerald anderson john lloyd cruz

“Sinabi ko sa kanya (Gerald), ‘ikaw kapag bumalik pa sa acting mong ewan, lagot ka sa akin.’ Tapos sabi niya sa akin, ‘hindi direk, hindi direk marami na po akong natutuhan.’

“Kaya nga ako pawig-wig ‘di ba, kasi naano ako kapag nakikita ko ‘yung artista in the same character and I don’t want to hear na, ‘ay si Gerald ulit.

“Same with Pia o si Ms Universe.  Kaya ‘yung karakter ni Pia, ganoon din naman kaya tinanggal ko lahat ang pagka-Miss Universe, I don’t want to see Miss Universe on my set and in fairness naman to the entourage of Pia, walang mararamdamang, ‘hoy si Miss Universe ‘to ha.’

“In fact, ako ‘yung nagagalit, alagaan ninyo kaya ‘tong Miss Universe n’yo kasi sugat-sugat na siya sa mga eksena na hindi nagre-reklamo.

“Sabi ko, okay ka lang (Pia), ‘okay direk!’ Tapos paglapit ko, mayroon na siya (sabay turo) dumudugo, sinungaling din siya, takot masyado,” masayang kuwento ni direk Cathy.

READ MORE:  Andrea, nagwawala kapag kinakanti ang pamilya
READ MORE:  Maricel, ‘di puwedeng ipasa ang titulong Comedy Queen

pia wurtzbach cathy garcia-molina

READ MORE:  Congw. Vilma Santos ipinagdadamot ng presidente ng fans club

At ang inakalang kaya lang umarte ni Pia, ”hindi lang kaya, magaling siyang umarte! There is one scene na na itong eksenang ‘to, hinihingi ko lang ito sa magagaling na artista, may arya-arya roon. Sabi ko, delikado ‘to kasi magaling na artista lang ang kayang gumawa nito, prior to that may nakunan kaming maliit (eksena), sabi ko sa producer at writer ko, ‘kakayanin niya (Pia)’ and true enough, idineliver with flying colors kaya yehey.

Gerald Anderson my perfect you

“Tapos sabi naman nito (Gerald), bakit daw si Pia pinapalakpakan, siya hindi raw!”

“Top it all, mabuti silang tao, alam ‘yan nina Janus (del Prado) at Rice. Just want to tell you, how happy I am. They exceeded my expectations and I am looking more movies not necessarily with me kasi kaunting pelikula na lang gagawin ko, but Pia and Gerald on their own, maraming kakabugin,” mahabang sabi ng My Perfect Youdirector.

Gerald Anderson pia wurtzbach my perfect you

Mapapanood na ang My Perfect You sa Marso 14, Miyerkoles handog ng Star Cinema at magkakaroon ng premiere night ngayong gabi, Lunes sa SM Megamall Cinema 7.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved