Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 sundalo/pulis todas sa NPA Sparrow kada araw
3 sundalo/pulis todas sa NPA Sparrow kada araw

3 sundalo/pulis todas sa NPA Sparrow kada araw

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, tatlong sundalo o pulis kada araw ang napapatay ng special partisan unit (SPARU) o mas kilala bilang Sparrow unit ng New People’s Army (NPA) sa buong bansa.

Pinayohan ni Duterte ang mga tropa ng pamahalaan na maging mapagmatyag at alerto sa mga nagkalat at aktibong muli na urban hit squad ng NPA lalo na’t may direktiba ang pamunuan ng Communist Party of the Philippines (CPP) na paigtingin ang operasyon laban sa kanila nang tuldukan ng Punong Ehekutibo ang peace talks sa kilusang komunista.

READ MORE:  Duterte napa-wow sa disaster response ng Israel

Pinag-iingat ni Duterte ang sundalo’t pulis sa kanilang paligid , lalo kapag nasa bahay bunsod ng ilang insidente na tinambangan ang mga tropa  ng pamahalaan habang nasa kanilang mga tahanan o kaya’y kapag namamalengke paglabas ng kampo.

READ MORE:  Ghost employees wala sa Makati (Giit ng appointee ni Acting Mayor Peña)

Ito aniya ang dahilan kaya binigyan niya ng mga baril ang mga sundalo para proteksiyon sa NPA at naglunsad ng TienDA ng Bayan ang Department of Agriclture upang ang kagawaran ang magsu-supply ng pangangailangan ng mga tropa ng pamahalaan, sa bahay at kampo.

READ MORE:  Nakipagkalas na bebot utas sa tomboy

Ang target aniya ng sparrow ay dalang baril ng mga sundalo’t pulis.

 (ROSE NOVENARIO)

 

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved