Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 11 katao tiklo sa anti-drug ops sa Tondo

11 katao tiklo sa anti-drug ops sa Tondo

ARESTADO sa anti-drug operations ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-NCR) ang 11 katao sa piso net na front umano ng bentahan ng ilegal na droga sa Bldg. II, Katuparan, Vitas, Tondo, Maynila, nitong Biyernes ng gabi.

READ MORE:  ‘Terminator’ ng estapador na drug pusher tiklo sa MPD
ARESTADO ang 11-katao kabilang ang magasawa na sina Fe at Lemuel Ramirez na sinasabing tulak ng droga sa Bldg 11 Katuparan Vitas Tondo makaraang isilbi ng Manila Police District(MPD)station 1 sa pangunguna ni Supt Jay Dimaandal kasama ng kanyang mga tauhan na sina SDET C/Insp Manny Israel, Sr/Insp Dave Abarra at mga operatiba kung saan nakumpiska ang ilang mga sachet ng droga, timbangan, drug parahernalias at sumpak sa tahanan ng dalawang tulak, nadiskubre rin ang Piso net na pagmamayari ng mga Ramirez na front ng kalakaran ng shabu ng mga suspek, bagay na kinumpirma ng 9-katao na iskorer na nakasamang naaresto. (BRIAN GEM BILASANO)

Ayon kay MPD Station 1 commander, Supt. Jay Dimaandal, dakong 5:00 pm nang kanilang ikasa ang operasyon sa bahay ng subject na si Fe Ramirez sa Room 301, Bldg. 11 sa nasabing lugar, sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Virgilio Macaraig ng Manila RTC Branch 37.

READ MORE:  SSS nagpaliwanag sa P1K pension hike delay
READ MORE:  Mag-uutol na Bombay inambus, 1 patay

Hinalughog ng mga awtoridad ang bahay ni Ramirez at natagpuan ang 11 piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at sumpak.

Arestado rin ang asawa ni Ramirez na si Lemuel Ramirez, 67, kabilang sa drugs watchlist ng pulisya sa lugar.

Kabilang sa dinakip ang siyam katao na nakaistambay sa piso net ng mag-asawa. Tatlo sa kanila ay aminadong iskorer ng shabu na sinasabing binili mula sa mag-asawa.

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved