Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 1 sugatan sa jeep vs pick-up sa Kyusi
1 sugatan sa jeep vs pick-up sa Kyusi

1 sugatan sa jeep vs pick-up sa Kyusi

SUGATAN ang isang 60-anyos lalaking pahinante ng jeep nang masalpok ng pick-up truck ang nasabing sasakyan sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, nitong madaling-araw ng Linggo.

Kinilala ang biktimang si Benito Aguba, pahinante ng jeep na magde-deliver ng saging galing probinsya ng Quezon tungo sa Balintawak.

READ MORE:  70 bar girls nasagip ng NBI sa Pasay

Ayon sa kuha ng CCTV, binabagtas ng pick-up ang Biak na Bato Street, nang sumalpok sa jeep na tinatahak ang Cuenco Street.

Ngunit iginiit ng driver ng jeep na si Crispin Donatos na siya ang nasa Biak na Bato Street nang biglang masalpok ng pick up.

READ MORE:  3 drug personalities patay sa shootout sa Ilocos Norte

Tumangging magbigay ng anomang pahayag ang driver ng pick up na kinilalang si Archimedes Aguilar, 24 anyos.

Dinala sa East Avenue Medical Center si Aguba dahil sa mga sugat sa ulo at katawan matapos maipit sa tumagilid na jeep nang halos isang oras.

READ MORE:  ‘Di nag-remit ng SSS contributions, 2 employer arestado

Patuloy ang imbestigasyon ukol sa insidente, ngunit ayon sa QC Traffic Sector 1, base sa nakita sa CCTV, dapat parehas na nagmenor ang jeep at pick-up lalo pa’t intersection ang dinaanan nila.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved