Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Bgy. 659-A sa Lawton mas maraming botante kaysa mga residente?
Bgy. 659-A sa Lawton mas maraming botante kaysa mga residente?

Bgy. 659-A sa Lawton mas maraming botante kaysa mga residente?

MALINIS, maayos at mapayapa.

Iyan ang sa pagkakaalam natin ay una vez na mandato at pananagutan ng Commission on Elections (Comelec) para proteksiyonan at pangalagaan ang sagradong boto ng mamamayan tuwing eleksiyon.

Pero paano kung Comelec mismo ang ‘guilty’ ng ‘dereliction of duty’ o pagpapabaya sa pagtupad ng kanilang tungkulin kaya’t ni minsan ay hindi pa tayo nagkaroon ng makatotohanang halalan sa bansa, kahit isang beses?

Ang mas masaklap, Comelec din ang lumalabas na promotor sa mga katarantaduhan at ka-sabwat sa krimen ng mga paglabag sa Election Code kapalit ng suhol.

Kaya naman laging bigo ang hangarin ng matitinong botante na makapagluklok ng matinong lider dahil mga mapepera pero mapagsamantalang politiko at walanghiyang kandidato rin ang naidedeklarang panalo sa bandang huli.

Hanggang ngayon ay walang paliwanag ang Comelec sa nabulgar na 1,458 ”flying voters” sa Bgy. 97 sa Pasay City noong nakaraang linggo.

Hindi ba’t sa certification mula sa barangay chairman nagbabase ng pagrehistro ang Comelec?

Sa kabuuang bilang na nabanggit, 275 sa kanila ang rehistradong botante na pawang 2802 Taft Avenue ang gamit na address ng tirahan, ang mismong lugar na kinatitirikan ng LRT Gil Puyat station (dating Buendia).

READ MORE:  Quantitative restriction

Natuklasan na 260 rehistrado sa Comelec ay address pala ng bahay ng namumunong kupitan, este, kapitan ng barangay.

Umaabot naman sa 330 ang magkakaparehong address ng tirahan sa masikip at maliit na apartment sa Zamora Street, habang ang iba ay kung ‘di man nagbigay ng hindi matatagpuang bahay ay imposibleng magkasya ang dami ng bilang para magkakasamang manuluyan sa maliliit lamang na gusali.

Ano pa ang silbi ng Comelec sa malinis, mapayapa at maayos na halalan kung kasama ang flying voters sa binibilang na boto tuwing elek-siyon?

Huwag na tayong lumayo, subukan na lang pabuksan ng Comelec ang listahan ng mga botante sa Bgy. 659-A sa Maynila na ilang dura lang ang layo sa kanilang main office.

Ang Bgy. 659-A na ilang dekada nang pinamumunuan ni Chairman Ligaya V. Santos ang may sakop sa Liwasang Bonifacio sa Plaza Lawton na kinatatayuan ng ilang gusali at tanggapan ng gobyerno ay klasipikadong commercial at industrial zone

READ MORE:  Buhay ni Mandirigma, nasa libro na!

Noong 2011, nagpasa ng City Ordinance No. 8264 ang Konseho ng Maynila na pinamumunuan ni noo’y vice mayor Isko Moreno, dating mortal na kaaway ni Santos.

Ayon sa hindi naipatupad na ordinansa, ab initio, hindi pasado sa batas ang pagkakatatag sa pinamumunuang barangay ni Santos dahil wala itong sapat na bilang ng residente na nasasaad sa Local Government Code (Republic Act 7160).

Sa Section 386 (Requisites for Creation): “A Barangay maybe created out of a contiguous territory which has a population of at least two thousand (2,000) inhabitants as certified by the National Statistics Office except in cities and muni-cipalities within Metro Manila and other metropo-litan political subdivisions or in highly urbanized cities where such territory shall have a certified population of at least five thousand(5,000) inhabitants: Provided, That the creation thereof shall not reduce the population of the original Barangay or Barangays to less than the minimum requirement prescribed herein.”

Sa madali’t sabi, ang populasyon para sa pagtatatag ng barangay sa Metro Manila ay hindi maaaring mas mababa ang bilang sa 5,000.

READ MORE:  Dumugo ang ilong ng mga gustong maging guro

Pero batay sa opisyal na tala ng pamahalaan noong 2010, umaabot lang sa bilang na 974 ang residente sa naturang barangay na kinatatayuan ng tatlong high-rise residential condominiums, isang unibersidad, ilang pabrika at ilang opisina ng gobyerno, kasama na ang Manila City Hall at Post Office.

Masyadong mahal ang value ng lupa na sakop ng naturang barangay kaya’t imposibleng bumilis ang paglago ng populasyon na klasipikado bilang commercial at industrial zone.

Itinatakda rin sa batas na ang populasyon at ang populasyon ng mga residente ay certified o may patotoo ng National Statistics Office (NSO).

Karamihan sa nagmamay-ari at umookupa ng condo units na sakop ng barangay ay mga Chinese na hindi naman lehitimo at rehistradong botante sa Maynila.

Hindi kaya mas marami pa ang bilang ng mga botante sa Bgy. 659-A ni Santos kaysa mga re-sidente?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved