Thursday , July 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine, kinuha ng isang international beauty products
Nadine, kinuha ng isang international beauty products

Nadine, kinuha ng isang international beauty products

GOING international na talaga ang beauty ni Nadine Lustre dahil balita namin ay isang international beauty products ang gustong kunin ang serbisyo nito bilang image model.

Ayaw pang sabihin sa amin ng aming source kung anong produkto ito dahil sikreto pa. Kapag okey na ang lahat at nakapag-pictorial at shoot ng commercial, at tsaka nito sasabihin ang detalye.

Kuwento pa nito, ang morenang kutis at Asian beauty ng girlfriend ni James Reid ang nagustuhan ng may-ari ng produkto bukod pa sa husay nitong magsalita na bagay na bagay maging spokesperson ng kanilang produkto.

Bukod sa nasabing international endorsement ay may mga bagong endorsement si Nadine na lalabas ngayong taon. Regular din itong napapanood sa It’s Showtime at malapit nang ipalabas ang kanilang movie ni James. Ongoing din sa paglibot sa buong Pilipinas ang  matagumpay nilang konsiyerto.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

 

 

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved