Monday , July 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Spring Films, gagawa ng 8 pelikula
Spring Films, gagawa ng 8 pelikula

Spring Films, gagawa ng 8 pelikula

BUKOD sa concerts/shows ay walong pelikula rin ang nakatakdang gagawin ng Springs Films ngayong taon at mauuna na ang war movie na Marawi na uumpisahan na nilang mag-shoot sa huling linggo ngayong buwan.

“Kailangang maumpisahan na kasi may mga kasunod pa, as of now, third week or last week of this month palang ang puwede kong sabihin kasi nagka-casting pa kami, pero madali na lang ‘yun. ‘Yung iba wala pang details,” sabi ni Erickson.

Katatapos lang ipalabas ang Meet Me in St. Gallen nina Carlo Aquino at Bela Padilla na co-producer nila ang Viva Films at kumita ang Spring Films dito na hindi nga lang kasing laki ng kinita ng Kita Kita nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

“Year 2017 was the best year for Cornerstone, sabay-sabay kasi lahat, all our concerts were all sold-outs, tapos the ‘Kita Kita’ movie pa.

“Pati naman itong 2018 ang ganda ng pasok kasi ‘yung concert ni Moira (de la Torre), sold out din for two nights. Kaya nakatutuwa,” nakangiting sabi pa ng manager ng mga sikat na singer ng bansa.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved