Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mocha, nabuking na may senatorial ambition
Mocha, nabuking na may senatorial ambition

Mocha, nabuking na may senatorial ambition

MISMONG si PCOO ASec Mocha Uson na rin ang nagkakanulo sa kanyang sarili sa paulit-ulit niyang pahayag na wala siyang ambisyong tumakbong Senador sa May 2019 mid-term elections.

May emote kasi si Mocha na kesyo hindi naman siya isang abogado. Alam naman ng taumbayan na karamihan sa mga mambabatas—even in the Lower House—ay mga nagsipagtapos ng abogasya.

Dagdag na hanash pa ni Mocha, ano ba ang kuwalipikasyon niya para sa nasabing elective post gayong isang hamak na sexy dancer lang naman siya rati?

READ MORE:  50 bagong show ng GMA nakatengga, ayaw daw kasing gastusan

Pero kung inaakala ng madlang pipol na pag-amin ‘yon ng kakapusan ni Mocha, don’t look now. Sa kanyang blog ay mayroon siyang pa-survey kung sino sa kanila ni Senator Bam Aquino ang nais ng taumbayan na umokupa sa puwesto (in Aquino’s case, reelectionist siya).

READ MORE:  Dennis, papasanin ang buong mundo para kay Jen

Halatang “color-coded” ang survey, Senator Aquino being obviously identified among the Dilawans na binabanatan ni Mocha.

Paano maipaliliwanag ni Mocha ang kawalan niya ng political agenda kung sa mismong blog niya’y may pa-survey-survey pa siyang nalalaman?

Sino ba ang followers niya, hindi ba’t mga maka-administrasyon? Natural, hindi na kailangan pang i-tabulate ang magiging resulta ng mismong survey niya as the very respondents ay mga kapanalig niya at hindi ni Senator Aquino!

READ MORE:  Erik at Angeline, sweet na sweet; sabay pang umuwi after Star Awards for Music

Sa bandang huli, consistent pa rin si Mocha na marami pa ang posibleng maganap between now and 2019, kaya hindi siya nagsasalita ng tapos.

So there. Eh, ‘di bukelyang mayroon siyang senatorial ambition…o ilusyon?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved