Monday , July 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga pinalad manalo sa Lucky Juan ng Eat Bulaga may sari-saring kuwento ng kahirapan
Mga pinalad manalo sa Lucky Juan ng Eat Bulaga may sari-saring  kuwento ng kahirapan

Mga pinalad manalo sa Lucky Juan ng Eat Bulaga may sari-saring kuwento ng kahirapan

LAHAT ng team Broadway ay umaasa na isa sa mga araw na ito ay mabunot din ang hawak nilang numero para makapaglaro sa “Lucky Juan” at makamit ang lucky prize mula P50,000 hanggang P110,000. At ‘yung mga pinalad nang manalo rito ay may kani-kaniyang kuwento ng kahirapan bago binago ang kapalaran dahil sa pagkakapanalo sa Lucky Juan.

Mula sa isang Ale, na winner ng P100,000 ay nagpunta sila ng kanyang anak sa Broadway Centrum na ang baon na pera ay P300 lang. Sabi naman ng isa pang ginang na nagwagi ng P60,000, umalis siya sa kanilang bahay na pagkatapos manood nang live ng Eat Bulaga ay bibili siya ng gamot pero kulang ang kanyang pera. Hayun, sinagot ng Itaas ang kanyang dasal at nanalo nga siya sa “Lucky Juan” nang mai-shoot niya ang hawak na plastic ring sa bote.

Well, sa larong ito ay kailangan ang focus at piliin ang tamang lucky spot para mas madaling manalo. Ang cute ni Mang Juan sa katauhan ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Ang Lucky Juan ay hatid sa lahat ng Lemon Square Cheese Cake at Holiday Cheesedog Footlong.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved