Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kahandaan ng Senado kinontra ni Ping (Sa impeachment trial vs Sereno 80-90%)
Kahandaan ng Senado kinontra ni Ping (Sa impeachment trial vs Sereno 80-90%)

Kahandaan ng Senado kinontra ni Ping (Sa impeachment trial vs Sereno 80-90%)

ITINANGGI ni Senador Panfilo Lacson na 80-90 porsiyento nang handa ang Senado sa impeachment trial.

Nauna rito, inihayag ni Senate President Koko Pimentel III na 80% to 90% nang handa ang Senado para sa impeachment trial laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

READ MORE:  ‘Skyway incident’ bubusisiin sa Kamara

Giit ni Lacson, pinag-aaralan pa rin nilang mga senador ang posibleng pag-amiyenda sa rules na ginamit nila noong panahon ng Corona trial o impeachment trial laban kay dating Chief Justice Renato Corona.

READ MORE:  Veloso case sa Indonesia may remedyong legal pa

Natawa si Lacson at nagtatanong kung saan nakuha ni Pimentel ang naturang figure na 80-90% na handa ang senado bilang impeachment court.

Tantiya ni Lacson, baka ang ibig sabihin ni Pimentel ay handa na ang kanyang staff o kanyang tanggapan ngunit hindi ang buong Senado.

READ MORE:  Proteksiyon ng maralita sa anti-poor drug war isinusulong (Inter-agency vs tokhang)

Pabirong sinabi ni Lacson na huwag na silang pag-awayin ni Pimentel dahil magkaiba ang kanilang pahayag ukol sa paghahanda ng Senado sa impeachment trial kay Sereno.

(CYNTHIA MARTIN)

COMMENTS

About Cynthia Martin

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved