Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Contessa ni Glaiza de Castro sa GMA Afternoon Prime ngayong Marso 19 na
Contessa ni Glaiza de Castro sa GMA Afternoon Prime ngayong Marso 19 na

Contessa ni Glaiza de Castro sa GMA Afternoon Prime ngayong Marso 19 na

KAPAG teleserye ni Glaiza de Castro, sa Kapuso network ay asahan na marami itong mga pasabog na eksena. At sa darating na March 19, Lunes, eere na ang latest soap ni Glaiza na “Contessa” na makakasama ng mahusay na actress si Mark Herras at si Albert Langitan ang director nila sa serye.

READ MORE:  Nachorva nang mga bakla!

Gagampanan ni Glaiza ang karakter ni Bea Resureccion na habang ikinakasal kay Marco Caballero (Herras) ay may nangyaring trahedya. Pinagbabaril sila ng hindi nakilalang killer. At si Bea itinuro at pinagbintangang nagpapatay sa kanyang groom at pagdurusahan niya sa kulungan ang kasalanang hindi niya naman ginawa.

READ MORE:  Angelina Cruz, pang-beauty queen ang ganda

Dahil sa kalupitang sinapit mula sa kamay ng mayaman at maimpluwensiyang kaaway ay lalabas sa bagong anyo si Glaiza bilang Contessa na maghihiganti at bibigyan ng hustisya ang kamatayan ni Marco.

Makakasama ni Glaiza sa pinagbibidahang drama series ang mga kapwa Kapuso stars na sina: Geoff Eigenmann, Lauren Young, Gabby Eigenmann, Chanda Romero, Techie Agbayani, Jak Roberto, Phytos Ramirez,  Leandro Baldemor, Tanya Gomez, Will Ashley, Karel Marquez, Dominic Roco, Bernadette Allyson at nagbabalik telebisyon na si Ciara Sotto. Ang Contessa, ang papalit sa timeslot ng Ika-6 Na Utos na magwawakas na ngayong March 16.

READ MORE:  Joseph Marco, humahataw ang career!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved