Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagtatapat ni Sharon sa Rated K: I’ve always felt I was never enough for any man…
Pagtatapat ni Sharon sa Rated K: I’ve always felt I was never enough for any man…

Pagtatapat ni Sharon sa Rated K: I’ve always felt I was never enough for any man…

HALOS lahat ng nakapanood ng McDonalds TVC ng ex-couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ay kinilig at natuwa sa dalawa. Ilang taon na rin naman kasi ng huling magsama ang dalawa sa harap ng kamera.

Nasa mahigit ng 4-M ang views ng TVC nina Sharon Gabby sa Youtube base sa pagbisita namin kahapon habang tinitipa ang balitang ito.

Pero ang hindi alam ng lahat ay hindi naging madali para kay Sharon na gawin ang TVC at muling makaharap ang ama ng panganay niyang si KC Concepcion dahil hindi maganda ang relasyon nila.

Alam naman ng lahat na isa sa sama ng loob ni Shawie ay ang hindi pagkakatuloy ng pelikula nila ni Gabby saStar Cinema dahil umatras ang aktor kaya si Robin Padilla ang naging kapareha niya sa Unexpectedly Yours na iniba naman ang script ayon mismo sa writer.

Kaya inabangan namin ang panayam ng Rated K ni Korina SanchezRoxas kay Sharon nitong Linggo at dito ikinuwento ng huli ang nangyari bago kunan ang McDonalds TVC.

Panimula ni Sharon, ”Dapat nga magpe-pelikula kami two years ago pa hanggang last year, hindi na natuloy-tuloy, so sabi ko wala na siguro. And then biglaang na-offer itong McDdonald’s sa amin na truthfully, ayokong gawin kasi hindi kami in good terms, eh.

“Hindi kami nag-uusap. Alam ko, medyo malaki ‘yung excitement. Ang hindi ko sure, paano tatanggapin na 50s na kami?”

Bago naman tinanggap ng aktres ang TVC ay nanalangin muna siya at humingi ng signs na positibo naman ang naging sagot kaya natuloy ang McDonalds shoot.

READ MORE:  Just Love Christmas Party for the Press and Bloggers, effort to the max

“Actually, hindi ko talaga alam ano nangyari. Hindi kami magkaaway na harapan, eh. I didn’t know what to expect pero laging negative.

“Parang nakane-nerbiyos na hindi ko alam kung tama ba itong tinanggap ko ‘to, ‘tapos biglang maya-maya pagpasok, sabi niya, ‘Hi!’’ Napatingin naman siya kay Gabby at bumati rin ng ‘hi.’

“Tapos mayroon siyang dalang fruit basket. Nag-thank you, gumanyan lang ako, ‘tapos, ‘Sige, I’ll see you later.’”

Kaya umikot na ang kamera sa kanilang dalawa, ”Diyos Ko, Lord! The minute we were given instructions, para kaming nag-shooting kahapon lang. Balik agad sa dating gawi.

“We knew exactly what they wanted from the storyboard. At saka kasi may pagkatotoo ‘yung, ‘Do you mind if I join you,’ na first time kayong mag-uusap. It was true. May ilangan, may awkwardness hanggang sa mamaya, relaxed na uli.”

Hindi kaagad nakapag-react si Sharon nang mapanood niya ng unang beses ang TVC nila ng dating asawa at sa ikalawang pagkakataon ay napaiyak siya at muling bumalik ang mga alaalang hindi pa rin nawawala sa dibdib niya.

Nagkuwento na si Sharon kung paano sila nagsimula ni Gabby at ito ‘yung panahong isinu-shoot nila ang pelikulang Dear Heart noong 1981.

READ MORE:  Liza at Enrique, muling gagawa ng movie sa Star Cinema

“Shooting kami, hindi kami nag-uusap. Hindi naman sa irita kung hindi ‘di ako friendly at saka naiilang ako sa kanya.

“Pero ‘pag may eksena kaming ganyan, mabait naman, he’s very down-to-earth. Noong bandang patapos, may mga phone call na. Noong nagpu-promote kami, kami na!” pagtatapat ng Megastar.

Pagkalipas ng tatlong taong magkarelasyon ay ikinasal sila noong September 1984 sa Manila Cathedral at tandang kuwento ng aktres ay sumama ang pakiramdam niya dahil buntis na pala siya.

“I was naglilihi na then. In the middle of the ceremony, I remember I was telling Gabby, ‘Pa, I really need to throw up,’ kasi sukang-suka na ako. The monsignor did, binilisan na lang (misa),” saad ni Sharon.

Ang dami rin kasing tao sa loob ng cathedral noon dahil binuksan ang pintuan.

“Nasira ‘yung altar kasi binuksan. My veil, nanakaw. Ginamit ko na lang sa reception, ‘yung belo ng secondary sponsor, ‘yung inilalagay sa ‘yo.

“Tapos, sumabog ‘yung tambutso ng bridal car, ‘tapos pagdating sa hotel, may metro aide na, lahat na, binisita ko na silang lahat,” pahayag ng aktres.

Pagkalipas ng dalawang taong pagsasama (1986) ay nagkahiwalay na sina Sharon at Gabby at muling nagkabalikan (loveteam) noong gumawa sila ng pelikula (1990) na may titulong Bakit Ikaw Pa Rin.

“That movie ‘Bakit Ikaw Pa Rin’ from beginning to end, hindi kami nag-uusap. I have very bad memories of that whole movie. Pati ‘yung nagre-rehearse kayo ng linya, ‘pag take na, iba na.

“And then we couldn’t tell people na hindi kami magkasundo. Pero maganda ‘yung whole movie na lumabas,”pagtatapat pa ni Sharon.

READ MORE:  Kaseksihan ni Lovi, bet ni Derek

Klinaro ng aktres na hindi sila nagkabalikan ni Gabby, ”He met someone else and he chose her. But that’s okay, I mean, that’s a long time ago. It has something to do also, I have issues, Korina, na people think they call you Mega, people think you have everything.”

Hanggang sa napaiyak na si Sharon, ”I’ve always felt I was never enough for any man since my first husband, so you know. I know how to channel lang my energies and every time I would come out lang on TV, I have a license to be happy. Alam mo kung puro puso noon, isip at puso naman ‘wag puro puso.”

At ngayong click ang TVC ng Sharon-Gabby ay mauuwi na ba ito sa pelikula?

Pero ang pahayag ng aktres, ”depende iyon kay Gabby at Star Cinema.”

Narinig naman naming nagsabi si Gabby sa Star Cinema executives sa burol ng yumaong direktor na si Maryo J. de los Reyes ng, ”oh, gawa na tayo ng pelikula, ready na ako anytime (sabay kindat sa mga kausap).”

Totoo kaya ito o kiyeme lang ng aktor?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved