Monday , July 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia Sanchez at co-stars sa “Hanggang Saan” nagpasalamat sa taas ng ratings
Sylvia Sanchez at co-stars sa “Hanggang Saan” nagpasalamat sa taas ng ratings

Sylvia Sanchez at co-stars sa “Hanggang Saan” nagpasalamat sa taas ng ratings

LAHAT ng mga bagong episodes na inyong matutunghayan sa “Hanggang Saan” ay punong-puno ng intense lalo na sa paghaharap nina Nanay Sonya (Sylvia Sanchez) at Jacob (Ariel Rivera) ang totoong kriminal at pumaslang sa negosyanteng si Lamoste (Eric Quizon).

Laking pasasalamat, at buong pusong nagpapa-thank you si Sylvia at kanyang co-stars sa Hanggang Saan, dahil tumaas nang todo ang kanilang ratings sa episode na napanood ang naghuhumiyaw sa iyak at galit na si Nanay Sonya habang inililigtas sa bingit ng kamatayan ang anak na si Domeng (Yves Flores) at Paco (Arjo Atayde) na kagagawan rin ni Jacob at ng kanyang mga tauhan.

Nagkamit at umabot na sa 16.4% ang rating ng Hanggang Saan sa national base sa survey ng Kantar Media last March na mas mataas nang ilang puntos sa katapat nilang Hindi Ko Kayang Iwan Ka ng GMA-7. Nagkamit ng 17.8% sa urban at 17.5% sa metro ang HS na patuloy na mapapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Asintado” nina Julia Montes, Shaina Magdayao, Paulo Avelino at Aljur Abrenica sa Kapamilya Gold block ng Dos.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved