Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joyce Peñas, thankful pa rin sa pelikulang New Generation Heroes
Joyce Peñas, thankful pa rin sa pelikulang New Generation Heroes

Joyce Peñas, thankful pa rin sa pelikulang New Generation Heroes

NAGPAPASALAMAT pa rin si Ms. Joyce Peñas sa pelikula nilang New Generation Heroes dahil kahit naka-encounter siya rito ng ilang setbacks, nagbigay pa rin sa kanya ng nomination sa nakaraang 34th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Isa si Ms. Joyce sa nominado sa kategoryang New Movie Actress of the Year para sa naturang pelikula na tinampukan din nina Aiko Melendez, Jao Mapa, at Anita Linda.

“Of course kahit may hindi maganda sa film ko, kasi may negative na nangyari roon, at least ito positive. Na ako ay na-nominate as Best New Actress, kasi naman, I really prepared for my role here and sa mga scene ko. I exerted a lot of effort and time and I really did my best, kaya siguro ako napansin at na-nominate, hindi ba?

READ MORE:  Titulo ng bagong serye sa Dos, tunog nagmumura

“There is always a rainbow after the rain and I prayed already to God to touch the heart of the person who did me wrong! Bahala na si Lord sa kanya, I will just be positive that all will be well for those who love God,”

Dagdag niya, “We are doing some films and planning to do more, ia-update ko na lang kayo kapag tapos na ang mga shooting namin. I will continue to be an actress, although it’s not easy. But it’s my passion kasi, kaya I will never give up just because something went wrong.

READ MORE:  Aiko Melendez umaming naranasan ang lahat ng violence sa mga eksena nila ni Maja Salvador sa “Widlflower”

“I am more aware now more know-ledgeable and wiser than I was last year! My experien-ces good or bad, made me a stronger person now. My advise sa mga newcomer sa showbiz, never ever give up, just follow your dreams and give it to God! He knows what’s best for you,” wika niya na itananghal din rito bilang Female Star of the Night, ka-tie ng Kapamilya aktres na si Kim Chiu.

READ MORE:  Catriona Gray, may laban sa Miss Universe

Kasama ni Joyce na nominado sina Joanna Ampil (Ang Larawan), Mary Joy Apostol (Birdshot), Maymay Entrata (Loving In Tandem), Maxine Medina (Spirit Of The Glass 2: The Haunted), Yen Santos (Northern Lights: A Journey To Love), Malona Sulatan (Tu Pug Imatuy), Jemina Sy (Bubog), Adrienne Vergara (Bliss), at Pia Wurtzbach (Gandarrapido: The Revenger Squad). Nagtabla sa kategoryang ito sina Pia Wurtzbach at Joanna Ampil.

Bukod sa pagiging aktres at movie producer, si Ms. Joyce ay isang beauty queen, model, at fashion and jewellery designer.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved