Categories: Bulabugin

‘ENDO’ hindi pa mawawaksan ni Tatay Digong (Sa pangakong nakabitin)

NAGPAPAKA-HONEST lang naman siguro si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte nang aminin niyang hindi niya kayang tuparin ang kanyang pa­ngakong tuldukan ang “endo” o end of contract o contractualization sa bansa.

Sinabi ito ng Pangulo sa inagurasyon ng bagong shooting range ng ARMSCOR sa Buhangin, Davao City, na hindi kakayanin ng mga kapitalista na mabigyan ng kaukulang benepisyo ang mga manggagawa.

Ang isang posibilidad umano ay kompromiso na magiging katanggap-tanggap sa sektor ng manggagawa at mga kapitalista.

Hindi nga naman puwedeng pilitin ang mga kapitalista na ibigay ang lahat sa mga obrero.

“I don’t think that I can really give them all kasi hindi naman natin mapilit ‘yung mga kapitalista na… kung walang pera o ayaw nila o tamad. Don’t make it hard for them to run the business the way they like it because that’s their money. So something of a compromise must be… maybe acceptable to everybody,” aniya.

Marami pa nga namang paraan kung paano pagkikitain sa gitna ang interes ng mga kapita­lista at ng mga manggagawa lalo na ‘yung nasa service sector na nakapailalim sa kontraktuwa­lisasyon.

Ang ipinasa namang batas sa Kongreso na may  199 “yes” votes, ang House Bill 6908 ay u­pang palakasin ang security of tenure at wakasan ang lima hanggang anim na na buwang kontrata pero hindi nangangahulugan na winakasan nila ang kontraktuwalisasyon.

Imbes limang buwan, ginawa nilang tatlong taon.

Ibig sabihin lang na mas protektado ng nasa­bing batas ang mga middle agency o ‘yung mga manpower agency na siyang pangunahing ahensiya ng kontraktuwalisasyon.

Kunsabagay, hindi ganoon kadali na biglang wawakasan ang sistemang endo dahil alam natin na marami tayong mga kababayan na walang trabaho.

Taon-taon ay maraming gumagradweyt sa kolehiyo pero alam din natin na hindi sila agad nakapapasok sa trabaho.

‘Yan siguro ang isang konsiderasyon na iniisip ng Pangulo kaya mas mabuti nga namang, magkompromiso na lang muna.

Pero rin naman dapat na ikompromiso ang kinabukasan ng mga manggagawa. Dapat ang isang komprehensibong programa sa paggawa na magbibigay ng trabaho sa malaking puwersa ng lakas-paggawa sa buong bansa.

Panahon na para pag-isipan ng Pangulo na pag-aralan ang pagpapalakas ng iba’t ibang industriya sa bansa.

Sana ang programang Build, Build, Build ng Duterte administration ay patungo rin sa isang malawak at pangmatagalang pagpapatatag ng iba’t ibang industriya sa bansa na magbibigay ng trabaho sa maraming Filipino.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS
Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Share
Published by
Jerry Yap

Recent Posts

11 patay, 60 missing sa Cebu landslide

UMABOT na sa 11 katao ang kom­pir­madong namatay habang 60 ang nawawala sa pagguho ng bahagi ng isang bundok sa…

7 hours ago

Ken, na-pressure kina Miguel at Kris; aminadong nahirapan sa bagong serye

AMINADO si Ken Chan na mas hirap siya sa papel niya bilang Boyet sa My Special Tatay kaysa papel niya…

15 hours ago

Nadine, tumulong na, na-bash pa

WALA na talagang pinatatawad ang mga basher dahil kahit ang simpleng pagtulong sa mga nangangailangan ng mga artista ay bina-bash…

15 hours ago

Gabby, allergic pag-usapan si Sharon

NO reaction at ayaw magbigay ng komento ang mahusay na actor na si Gabby Concepcion kapag itinatanong si Sharon Cuneta.…

15 hours ago

‘Pagtakbo’ ni Dingdong, kinompirma ni Marian

SIGAW sa dyaryo, sasa­mahan ni Marian Rivera ang asawang si Dingdong Dantes sa pagtakbo.  Kaya marami ang nag-isip na papasok na ang aktor sa…

15 hours ago

Maine, inimbitahan ni Coco sa Ang Probinsyano

KUNG si Coco Martin ang masusunod, gusto nitong magkaroon ng special appearance si Maine Mendoza sa FPJ’s Ang Probinsyano para…

15 hours ago