Thursday , July 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kim, dapat nang kabahan kay Nathalie
Kim, dapat nang kabahan kay Nathalie

Kim, dapat nang kabahan kay Nathalie

KOMPARA noong bago-bago pa lang siya sa showbiz—sometime in 2014—ay napakalaki na nang in-improve ni Nathalie Hart.

Sa aming pagkakatanda, ipinakilala si Nathalie bilang one of those lang sa cast ng Ismol Family, ang Carla Abellana-Ryan Agoncillo sitcom sa GMA.

Hindi pa malakas noon ang dating ni Nathalie. At palibhasa’y mas identified siya sa komedi ay hindi namin na-imagine na maaari rin pala siyang mag-cross over sa ibang linya.

Kumbaga sa isang rose bud na siya noon, namumukadkad na ngayon ang mapanghalinang ganda ni Nathalie.

Dapat kabahan ang kapwa niya Kapuso sexy comedienne na si Kim Domingo, na bale ang nagsilbing point of entry naman niya noon sa showbiz ay sa pamamagitan ng Bubble Gang.

Personally, between the two ay mukhang mas mahaba ang lalakbayin ng career ni Nathalie. Base na rin ito sa mga favorable reviews tungkol sa kanyang ipinamalas na acting in her latest movie.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved