Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Kompromiso’ solusyon ni Digong sa endo
‘Kompromiso’ solusyon ni Digong sa endo

‘Kompromiso’ solusyon ni Digong sa endo

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kayang tuparin ang kanyang pangakong tuldukan ang “endo” o end of contract o contractualization sa bansa.

Sa talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng bagong shooting range ng ARMSCOR sa Buhangin, Davao City, sinabi niyang hindi kakayanin ng mga kapitalista na mabigyan ng kaukulang benepisyo ang mga manggagawa.

READ MORE:  Pang-amoy ng K9 dogs ‘di scientific evidence sa ‘P6.8-B shabu’ (Kung walang ilegal na droga)

Sa inagurasyon ng shooting range ng ARMSCOR sa Davao City, sinabi ng Pangulo na pag-aaralan niya ang po­si­bleng kompromiso na magiging katanggap-tanggap sa sektor ng mang­gagawa at mga kapitalista.

Giit ng Pangulo, hindi niya mapipilit ang mga kapitalista na ibigay ang lahat sa mga obrero.

READ MORE:  Shabu, armas kompiskado sa 4 miyembro ng Laguna drug group

“I don’t think that I can really give them all kasi hindi naman natin mapilit ‘yung mga kapitalista na… kung walang pera o ayaw nila o tamad. Don’t make it hard for them to run the business the way they like it because that’s their money. So something of a compromise must be… maybe acceptable to everybody,” aniya.

READ MORE:  Sugatang sundalo binisita ni Digong sa Halloween

Noong 2016 presidential elections, ipinangako ng Pangulo na wawakasan niya ang endo sa unang anim na buwan ng kanyang panunungkulan.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved