Categories: Showbiz

KathNiel, ‘ginulo’ ang Frontrow event

NALULA kami sa sobrang dami ng tao noong Linggo ng hapon sa SMX Convention Center para sa Frontrow Universe event ng Frontrow at sa launching ng KathNiel bilang ambassador nito.

Ayon kay RS Francisco, isa sa may-ari ng Frontrow, ”Maraming nag-last minute na nagpunta. ‘Yung SMX nagagalit na dahil hindi na kasya, puno na, ang haba pa ng pila sa labas, paikot na. Nakapila na hanggang sa likod, nasa loading section na ang tao.”

Kaya naman nang ipakilala na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bilang ambassador ng Frontrow, nagtakbuhan patungong stage ang tao. ”Nagtutulakan na. I had to intervene and stop kasi punong abala talaga ako sabi ko kakalimutan ko muna kung ano ako.”

At kahit nakaupo na ang mga Frontrow members, kitang-kita ang grabeng energy ng mga ito.

Hindi na nagawang umakyat pa nina Daniel at Kathryn para sana sa presscon sa Meeting Room 10 dahil nagkakagulo ang mga tao. Hinintay namin sila ng tatlong oras at umalis lamang kami nang sabihan kaming imposible na talagang makaakyat ang dalawa.

Ayon sa ilang blogger na bumaba sa Frontrow Universe event, nakatatakot ang sobrang dami ng tao na any moment ay puwedeng magka-stampede at puwedeng ikamatay ng mga naroroon.

Samantala, nagpahayag naman ng kasiyahan si Kathryn bilang pinakabagong endorser ng Frontrow, ”We’re very happy for being here tonight. Thank you so much dahil sa pag-welcome sa amin bilang bagong family. It’s a very special night working with RS and Boss Sam (Samuel Verzosa Jr., )and para makasama sa family na ito, were very excited para sa future project namin and excited na ako na mai-promote sa mas maraming tao pa.”

Masaya rin sa Daniel sa bagong endorsement na ito, aniya, ”Salamat sa pagbibigay sa amin ng pagkakataon na maging parte ng Frontrow, sa napakalaking pamilya na ito. Maraming-maraming salamat.”

Sa kuwento ni RS, Baby Kath ang tawag niya kay Kathryn dahil nakasama na niya ito before sa isang serye.”Kung dati inaalagaan ko na siya kasi kinakandong-kandong ko nga, ganoon din ang ibibigay na alaga ng Frontrow kay Kathryn. Mas aalagaan pa namin siya.”

 

 

 

 

COMMENTS
Maricris Valdez Nicasio

Share
Published by
Maricris Valdez Nicasio

Recent Posts

#Yato ni Lance, ikinokompara sa Why Can’t It Be ni Rannie

NAGING monster hit sa panahon niya (Rannie Raymundo) ang Why Can’t It Be? At ngayong ang kapatid niyang si Lance naman ang may…

7 hours ago

Kauna-unahang Studio City sa bansa, binuksan na ng ABS-CBN

INILUNSAD na ng na­ngu­ngunang media at entertainment network sa Pilipinas ang ABS-CBN Studio Experience, ang kauna-unahang studio city sa bansa na…

7 hours ago

Jodi, muling nag-top sa klase

SA mga tinatamad nang mag-aral dahil malaki na ang kita nila at may anak na, tularan n’yo si Jodi Sta. Maria. …

16 hours ago

Controversial businesswoman Kath Dupaya handang humarap sa korte (Kapag ‘di totoong tax evader si Joel Cruz)

Bumalik sa bansa kamakailan ang controversial na businesswoman na si Kath Dupaya at ilang araw lang  siyang nag-stay at agad…

16 hours ago

RS Francisco super husay na stage actor

Marami na kaming napanood na stage play pero masasabi naming isa sa pinakamaganda at most expensive local play itong pinagbibidahang…

16 hours ago

Libre ang magpa-book at manood sa Eat Bulaga nang Live

NABUKO ni Willie Revillame ang modus ng mga booker sa kanyang variety game show na niraraket ang mga kaawa-awa nating…

16 hours ago