Friday , April 26 2024

Inday Sara kay Alvarez: ‘Asshole at thick-faced’

PARANG maamong tuta na nabahag ang buntot ni House Speaker Pantaleon Alvarez matapos tawaging “asshole” at “thick-faced” ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong nakaraang linggo.

Nagmistulang basang-sisiw si Alvarez at hindi nakaporma nang buweltahan sa umano’y pagkakalat ng intriga laban sa anak ng pangulo.

Ikinairita ni Inday Sara ang intriga na kesyo ang inoorganisa niyang “Hugpong sa Pagbabago” isang bagong alyansa ng mga lokal na opi­syal sa lalawigan ng Davao, ay tanda ng kanyang pagsanib sa oposisyon.

Sinabi rin daw ni Alvarez na ang Hugpong sa Pagbabago ni Inday Sara ay “political dynasty” at walang basbas ng amang si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte.

Sabi raw ni Alvarez, ”We can see that in po­litics, there is what we call dynasty. You know that is not appropriate all the time. Even if they are father and child, sometimes quarrels occur. Siblings fight it out in politics. How do we prevent that? They are fighting within themselves.”

News ko po naman! Wala na ba talagang pinalalagpas si Alvarez, ultimo si Pres. Digong at anak na si Inday Sara ay pinagpaplanohan ni­yang pagsabungin?

UMURONG
ANG BAYAG?

PERO hindi umubra si Alvarez na akala mo ay sinong palaban at walang inuurungan kung umasta dahil may mga testigo si Inday na nakarinig sa kanyang mga pinagsasabi.

Nakarating din daw kay Inday Sara na ipinagyabang ni Alvarez na kahit pangulo ng bansa ay kaya niyang patalsikin sa pamamagitan ng impeachment bilang lider ng Kamara.

May panawagan si Inday Sara sa mga miyembro ng Kamara na palitan si Alvarez at sinabing ikakampanya pa na matalo sa 2019 mid-term elections kapag hindi tumigil.

Malas lang ni Alvarez, maaga siyang naka­tagpo ng katapat kay Inday Sara na kayang paurungin ang kanyang bayag.

EXODUS SA PDP?
DIGONG, NALILIGID
NG MGA KALABAN

PUWEDE sanang itanggi ni Alvarez ang mga nakarating na balita kay Inday Sara kung hindi mantsado ang kanyang kredibilidad at malinis ang kanyang record.

Ang problema kasi, kahit mga kilalang sanggang-dikit na kaalyado ni Pres. Digong ay kinakatalo ni Alvarez at pinagdidiskitahan.

Halimbawa na riyan sina dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo na nagtalaga pa man din sa kanya noong 2001 bilang kalihim sa Department of Transportation ang Communications (DOTC), Rep. Antonio Floreindo at Rep. Imee Marcos.

Kaya ba lumusot ang inihain niyang kaso laban kay Floreindo at sumampa sa Sandiganba­yan ay dahil tahimik siya sa pagsusulong ng impeachment laban kay Ombudswoman Conchita Carpio-Morales?

Maging ang mga institusyon ay nababahiran sa sobrang tayog ng pagkilala ni Alvarez sa kanyang kapangyarihan, isa na ang Court of Appeals (CA) na pinagbantaang ipabubuwag.

Ang nakababahala, baka dahil kay Alvarez ay magkaroon ng exodus at madamay ang PDP Laban oras na nagsilipatan ang mga miyembro sa Hugpong ng Pagbabago, na ayon mismo kay Pres. Digong ay kanyang binasbasan.

Sa mga pahamak na nakapaligid sa kanya, mas nakararami sa kanila ang nagtataboy ng kakampi kaya’t si Pres. Digong ay hindi na nangangailangan ng kalaban sa oposisyon.

About Percy Lapid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *