Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Amasona barilin sa vagina (Muling pang-uuyam ni Digong)
Amasona barilin sa vagina (Muling pang-uuyam ni Digong)

Amasona barilin sa vagina (Muling pang-uuyam ni Digong)

IMBES matuwa sa pagbabalik-loob ng mga amasonang New People’s Army (NPA), pang-iinsulto sa kanilang pagkababae ang ipinasalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ina-gurasyon ng ARMSCOR shooting range sa Davao City, mayroon pang ikatlong batch ng mga nagsisukong rebelde ang kanyang makakasama sa meryenda sa susunod na linggo sa Palasyo at hindi siya mag-aatubiling sabihing muli sa harap ng mga rebelde na barilin sa ari.

READ MORE:  ‘Di matatakasang inflation tunay na isyung dapat harapin ng PH

Sa dalawang beses na merienda salu-salo ng Pangulo sa mga amasona, inihayag niya, hindi na niya ipapatay sa mga sundalo ang mga maaarestong babaeng rebelde sa halip ay ipababaril na lamang sa pribadong bahagi ng katawan ng babae.

READ MORE:  2 holdaper utas sa Pampanga

Kahapon, binigyan-diin niya na pang-uuyam o pang-iinsulto lamang ang kanyang layunin nang banggitin sa harap ng mga nagsisukong rebelde na barilin sa ari ang mga amasona.

READ MORE:  INC leader itinalagang special envoy ni Duterte (Para sa OFWs)

Desmayado umano ang Pangulo dahil panay panganganak lamang ang ginagawa ng mga rebelde at iniiwan ang mga anak saka mamundok para makibaka laban sa gobyerno.

Umani ng batikos mula sa iba’t ibang women’s group ang tinawag nilang pang-iinsulto ng Pangulo sa ari ng  kababaihan.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved