Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vitto Marquez, malaman magsalita, manang-mana pa kay Tsong Joey
Vitto Marquez, malaman magsalita, manang-mana pa kay Tsong Joey

Vitto Marquez, malaman magsalita, manang-mana pa kay Tsong Joey

KUNG may Bagets noong 80’s na kinabibilangan nina Aga Muhlach, William MartinezJC Bonnin, Raymond Lauchengco, at Quezon City Mayor Herbert Bautista na talagang tinitilian noon, may bagong pambato ulit ang Viva Films para sa millennials, ang Squad Goals.

Ang Squad Goals ay titulo ng pelikula ng FBOIS na sina Julian Trono, Jack Reid, Vitto Marquez, Dan Huschcka, at Andrew Muhlach.

Obviously, si Julian ang pinakakilala sa grupo dahil matagal na siyang ini-launch as solo artist hanggang sa naging ka-loveteam ni Ella Cruz.

May kanya-kanyang taguri sa limang bagets tulad ni Julian bilang hashtag FlyBoi, hashtag FastBoi naman si Jack, Si Vitto naman ay si hashtag FitBoi, hashtag FunkyBoi si Dan, at hashtag FunnyBoi si Andrew.

Ngayong summer ang playdate ng pelikulang Squad Goals kaya may panahon pa para mas lalong makilala nang husto ang FBOIS at simula ngayong araw, Sabado, Pebrero 24 ay nasa SM City Bacoor sila. Kaya sa millennial girls na taga-Cavite, lusob na.

Ang iba pang schedule ng mall shows ng FBOIS ay March 4 (Linggo)- Ayala Malls Cloverleaf; March 10 (Sabado)- Ayala Malls FEliz; March 11 (Linggo) – SM City San Pablo; March 17 (Sabado) – SM City Iloilo; March 24 (Sabado) – Ayala Malls Harbour Point; March 25 (Linggo) – SM City Pampanga; April 7 (Sabado) – SM City Tarlac; April 8 (Linggo) – SM City Rosales; April 9 (Lunes) – Fishermall; April 14 (Sabado) SM City Legazpi; April 22 (Linggo) -SM City Bicutan; April 28 (Sabado) – SM City Novaliches at April 29 (Linggo) – Gaisano Starscene Davao.

READ MORE:  It’s Final…Ate Vi, No for VP!

At para sa karagdagang impormasyon ng FBOIS para sa activities nila ay sundan sila safacebook.com/VIVAFilms or facebook.com/SquadGoalsMovie; Twitter @ VIVA_Films) at Insgtagram @viva_films.

Sa limang FBOIS ay nakuha ni Vitto ang atensiyon namin dahil malaman siyang magsalita na manang-mana sa tatay niyang si Joey ‘Tsong’ Marquez with sense of humor at hindi malayong hindi niya pasukin ang politika. Pero aniya, mas gusto niya ang showbiz.

Miyembro ng Hashtag si Vitto at nakatitiyak kami na namana niya ang galling sa pagsasayaw sa inang si Alma Moreno kaya nagkaroon ng programang  Loveli-Ness.

At dahil anak si Vitto ni Tsong Joey na noong kabataan niya ay habulin ng chicks, tinanong si Vitto kung nararamdaman na niya ito ngayon na nasa showbiz na siya.

READ MORE:  Bagets mahirap nang ulitin at mapantayan; Dan Hushcka, pwedeng maging big star

“Sabi nga ng tatay ko, career muna,” saad ng bagitong aktor.

Sa edad na 22 ay posibleng may kaalaman na si Vitto sa sex kaya tinanong kung pina-practice niya ang safe sex,”everyone should be and para rin risk-free. Basta ang sabi niya (tatay niya), career muna before anything.

“Career and pag-aaral muna. If nag-succeed ka, roon ka makahahanap ng, actually ngayon, for a long time, umiiwas po ako.

“One of the big factors ay parang ‘yung sa isang course, naka-focus ako. Gusto kong maipakita na kung kaya ng tatay ko, kaya ko rin,” say ni Vitto.

At dahil miyembro na ng Hashtag si Vitto ay natanong siya tungkol sa isyung may dalawang miyembro sa kanila ang tinanggal na sa It’s Showtime dahil nakabuntis daw.  Number one rule kasi sa grupo na okay lang magka-girlfriend, pero bawal ang makabuntis.

READ MORE:  Joey, priority ang 14 na anak

Mabilis umiwas si Vitto, ”I’m not in the position to say anything about it. Siguro po, everything happens for a reason. We just want to go on and do our work.”

Klinaro ni Vitto na walang tinanggal sa grupo nila at sa dalawang natsi-tsismis ay, ”They’re still with the group. Basta pagdating po sa ganyan, hindi ako nakikialam, eh.

“I’m not sure what’s happening, kasi ayaw kong makihalo sa mga ganyang nangyayari. Iniiwasan ko pong tanungin, kasi mga kaibigan ko sila, eh.

“Non-showbiz man o showbiz, they’re my friends, so susuportahan ko sila kung saan man sila masaya.

“Hindi siya clear sa akin, kasi hindi ko talaga tinatanong para sa akin, it doesn’t matter, kasi they are my friends. As a friend, susuportahan ko sila sa anumang isyu.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved