Thursday , April 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Simbahan nangamba (Sa divorce bill)
Simbahan nangamba (Sa divorce bill)

Simbahan nangamba (Sa divorce bill)

IKINALUNGKOT ng isang lider ng Catholic Church ang pag-aproba ng House panel sa lehislasyon na magpapahintulot ng diborsiyo sa Filipinas.

Ang panukala para sa mabilis at madaling diborsiyo ay pumasa sa committee level ng mababang kapulungan ng Kongreso nitong Miyerkoles, pinakamabilis sa iba pang ganitong uri ng lehislasyon.

Tinututulan ng Simbahang Katoliko ang diborsiyo sa Filipinas, isa sa dalawang estado sa mundo, bukod sa Vatican, na hindi pa ito ipinatutupad. Ang annulment ay legal, ngunit ang proseso ay umaabot nang ilang taon at aabutin ang gastos ng hanggang P250,000.

“It is the time that we have feared the most,” pahayag ni Cebu Archbishop Jose Palma.

Dahil ang panukalang batas ay isasalang na sa deliberasyon sa plenary level, ipinaalala ni Palma sa mga mambabatas na “Even the Constitution protects the sanctity of marriage.”

Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman, pinuno ng technical working group na nag-consolidate sa iba’t ibang bersiyon ng panukala, ito ay sang-ayon sa konstitusyon at walang nilabag na “sanctity of marriage.”

“What is subject to divorce proceedings are marriages long dead or vitiated from the very start. In the language of the Supreme Court, it is giving a decent burial for a cadaver of a marriage,” aniya.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved