Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / May nasagasaan si Dads!?
May nasagasaan si Dads!?

May nasagasaan si Dads!?

ISA pala sa tinamaan o nasagasaan sa paglipat ni Dads Piñera sa BI-PEZA ay itong si alias Enteng Kabisote.

Ganoon na lang daw ang sama ng loob ni Enteng nang malamang nasakop pala ang kanyang kaharian.

Sayang daw at talagang at home na sana siya sa kanyang dating puwesto sa PEZA. Hindi raw akalain ni Enteng Kabisote na siya ay masusulot ‘este papalitan.

READ MORE:  e-Gates sisimulan na sa mga paliparan

How cruel naman!

Isipin na lang na kadarating lang sa BI-PEZA  at ‘di pa nag-init sa kanyang puwesto ay para siyang informal settler na kung saan-saan dinadala at pinalilipat-lipat ng puwesto?

Wattafak!?

Ginawa lang na parang tsubibo?

Ay totoo ka!

Ang alam nga ng lahat, doon na magtatagal ang career ni Kabisote dahil kailan nga lang ay nanggaling pa siya sa BI Olongapo na feeling secured na secured na.

READ MORE:  Lacson PCP Sampaloc balasahin na!

Paano mangyayari ang ganoon, samantala ipina-deport nga pabalik ng Maynila dahil sa magkakasunod na kapalpakan.

Nagkataong sinuwerte lang si Kamote ‘este Kabisote at muling nagkaposisyon sa PEZA.

Pero sino naman kaya ang author ng pagpapatalsik sa kanya sa opisina?

Wala kayang kinalaman ang dating bff niya na si Atty. Pepper?!

READ MORE:  Congratulations PCSO new chair Ayong Maliksi (PCSO ads dapat busisiin)

Bakit naman e dati nga silang sanggang-dikit ‘di ba?

‘Yun ang ‘di natin alam!

Sabagay, sabi nga nila, “sometimes your best­friend may be your worst enemy!”

What d’ya think of that Atty. Pepper?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved