Categories: Showbiz

Kathryn Bernardo, hinirang na Girl Scout of the Philippines Ambassador

HINIRANG bilang Girl Scouts of the Philippines ambassador ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo. Bagay na bagay ang ka-love team ni Daniel Padilla rito dahil dating miyembro rin ng GSP ang aktres.

Base sa video mula GSP FB page, ipinahayag ni Kath sa mga batang member ng GSP ang kanyang kagalakan noong girl scout days niya.

“Dapat na masipag gumawa ng homework, masipag gumawa ng household chores, masipag kapag sa classroom, after you eat, dapat ay itinatabi agad ang pinagkainan n’yo. Dapat mayroon tayong initiative to do things na kahit hindi sabihin sa atin, we gonna do it on our own, kailangan na mas mag-strive harder para mas matuto…

“Kailangan maging matulungin… once you grow up, kapag may trabaho na kayo, dapat tumutulong pa rin tayo sa family natin, sa friends natin kung kailangan nila tayo, maraming ways para makatulong and sana hanggang lumaki kayo, ma-empower n’yo ang ganyang character, be helpful,” saad ni Kath.

Nabanggit din dito ni Kath ang ilang experience niya noon bilang batang scout. “Ever since I was a kid, super masaya ako na naging part ako ng girl scouts because aside from the camping, I know iyong mga pinaglalaban ng girl scout.

“I’m really excited to work with this, my new family to promote different type of values to the youth to the kids. Medyo matagal na since naging girl scout ako and I’m willing to learn everything again,” saad ng bidang aktres sa La Luna Sangre.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS
Nonie Nicasio

Share
Published by
Nonie Nicasio

Recent Posts

KC, balik-‘Pinas para sa My 40 Years; Mega, nawalan ng boses

DUMATING na sa bansa ang panganay na anak ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion pagkatapos ng ilang linggong pamamalagi sa Paris kasama ang…

2 hours ago

Kris muling iginiit, Hindi ako tatakbo sa Senado sa 2019

SA unang pagkakataon ay wala kaming nabasang komento sa IG post ni Kris Aquino tungkol sa ipinost niyang may kinalaman sa financial abuse at…

2 hours ago

COP sa Bulacan tiklo sa kotong

INIHAHANDA ng mga awtoridad ang isasam­pang kaso laban sa isang hepe ng pulisya sa Bulacan na inaresto dahil sa pangongotong sa…

11 hours ago

Bagyong Paeng pumasok na sa PAR

PUMASOK na ang typhoon Trami sa Philip­pine Area of Responsi­bility (PAR) at ngayon ay tinatawag na ito sa local designation…

11 hours ago

Med rep pinatay sa saksak (Nobyo kausap sa mobile phone)

CAINTA, Rizal – PATAY ang isang lady medical represen­tantive sa kaniyang bahay sa bayang ito sa sampung beses na saksak…

11 hours ago

3 sa 5 Pinoy kombinsidong human rights violation (Pagdakip sa tambay)

TATLO sa limang Filipino ang naniniwalang paglabag sa karapatang pantao ang pagdakip ng mga pulis sa tambay, ayon sa survey…

11 hours ago