Thursday , April 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 15-anyos dalagita sex slave ng titser (Kinikilan ng dyowa ng suspek)
15-anyos dalagita sex slave ng titser (Kinikilan ng dyowa ng suspek)

15-anyos dalagita sex slave ng titser (Kinikilan ng dyowa ng suspek)

BUKOD sa paulit-ulit na panggagahasa ng kanyang guro, kinikilan pa ang 15-anyos dalagitang estudyante sa San Carlos City, Pangasinan, ng kinakasama ng suspek upang hindi ipalabas ang malalaswa niyang retrato at video.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, ginahasa ang biktimang si Jane sa loob ng apat na buwan ng kanyang guro na kinilalang si Florencio Bagaforo.

Ayon kay Jane, nagsimula umano ang pangmomolestiya sa kaniya noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Aniya, pinagbantaan siya ni Bagaforo, kaya hindi siya agad  nakapagsumbong.

“Tinatakot niya po ako para po sumama po ako sa kanya. Ganoon po hanggang po sa pauli-ulit niya po akong pinagsasamantalahan,” ayon kay Jane.

“Sobrang sakit ang ginawa nila sa anak ko kasi habambuhay dala niya iyang pagkawasak ng pagkatao niya na ginawa nila. Hindi ko matanggap talaga iyan,” sabi ng ina ng biktima.

Habang arestado sa pananakot at pangingikil umano ang kinakasama ni Bagaforo na si Maria Louisa Brillantes sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI).

Napag-alaman, nadiskobre ni Brillantes sa cellphone ni Bagaforo ang pananamantala ng lalaki kay Jane. Ginamit niya ito para kikilan ang biktima, na umabot sa halagang P2,000.

Kapalit nito ang hindi paglalabas ng malalaswang retrato at video ng dalagita.

“Itong babae, tini-threat na niya itong bata na victim na kung hindi magbigay ng ganitong amount ikakalat niya ‘yung nude pictures/videos na malalaswa, ganoon,” pahayag ni Roberto Gonzales, Special Investigator, NBI-Dagupan City.

Samantala, sinabi ni Brillantes, nagawa niya lang ito dahil sa matinding selos.

Nahaharap si Brillantes sa kasong extortion, habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Bagaforo na nahaharap sa 12 counts of rape.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved