Sunday , December 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nathalie Hart, ayaw maging hubadera forever!
Nathalie Hart, ayaw maging hubadera forever!

Nathalie Hart, ayaw maging hubadera forever!

HINDI type ni Nathalie Hart na ma-type cast siya bilang isang hubadera or sexy actress. Aminado siyang muling sumabak sa sexy role sa peliku­lang Sin Island na tinatampukan nila nina Coleen Garcia at Xian Lim, pero hindi raw ito tulad ng mga naunang pelikula niya.

Nagkuwento siya ukol sa naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Gino Santos.

Pakli ni Nathlaie, “Lahat kami rito, lahat ng characters namin dto ay may kasalanan. Lahat kami kaya Sin Island, parang pinagsama ‘yung mga makasalanan.”

Saad niya, “It’s my first time to work with Coleen and Xian, so, it was really awkward. Pero siguro kapag ginagawa na namin ‘yung mga medyo intimate na scenes, it’s kinda awkward talaga, kasi hindi mo naman talaga maiiwasang maiilang ka sa mga tao. Of course it‘s different, but we just have to do our job.”

READ MORE:  Christian band, itatayo nina Ogie, Regine, Jaya, at Arnell

Paano mo ginawa na komportable iyong sarili mo sa mga daring scenes?

Tugon ni Nathalie, “I made myself believe, na ako ‘yung character na iyon.”

Nabanggit din niya ang iba pang pelikulang ginagawa. “We’re doing something for TBA Productions. ‘Di pa namin puwede sabihin ang title but it’s a thriller movie, it’s with JC Santos. Hindi ito pa-sexy,” nakangiting saad niya.

READ MORE:  Sin Island nina Xian, Coleen at Nathalie pelikulang mapangahas sa Valentine’s Day

Esplika ni Nathalie, “Hindi lang paghuhubad or pagpapa-sexy ang kaya kong gawin. I have a movie with Empoy (Marquez) and Zanjoe Marudo, Kusina Kings ang title, comedy ito. Doon sa Kusina Kings, kapatid ako ni Empoy and then ‘yung partner ko roon is Zanjoe. And then I’m doing something with Diether Ocampo, its called Sunday Night Fever. Siguro, I wanna do some teleserye na, from now on.”

Masaya ka ba na iba-ibang genre ng pelikula ang ginagawa mo ngayon?

“Yes masaya ako, kasi nabibigyan ako ng opportunity to be working with different people, different characters. Kasi you don’t wanna get stuck-up in one project e, kasi it could get boring.

READ MORE:  Shy, walang kinalaman sa paglipat ni Xian

“So I’m happy, I’m really happy that I was able to do comedy, kasi hindi lang alam ng tao na I’m very quirky and fun on the other side, kasi ang laging ibinibigay nila sa akin ay ‘yung project na seryoso and drama. Yeah, it’s like always drama and pa-sexy, I’m really tired of it.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

 

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved