Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / May ngumangawngaw sa last promotion
May ngumangawngaw sa last promotion

May ngumangawngaw sa last promotion

HINDI pa man lumalabas ang huling promotion ng mga bagong Senior Immigration Officers at Immigration Offixer ‘este Officer III ng BI ay sanrekwang reklamo na ang naririnig tungkol sa mga aplikanteng hindi pinalad makakuha ng nasabing items.

Karamihan umano riyan ay ‘yung mga nasanay na kada na lang may promotion ay parang mga hyena na takaw na takaw sa karne na puwedeng lantakan!

Sonabagan!

Hindi ba nila matanggap na pagkakataon at panahon naman ngayon ng iba?

READ MORE:  Aksiyong kulelat sa casino tragedy

‘Yung iba naman, ang sabi-sabi ay kasalukuyang ‘bata’ ng ilang hepe na hindi napagbigyan kaya katakot-takot na ngawngaw ang pinakakawalan.

Gaya na lang ng isang IO na kilala bilang kaanak ng isang dating politiko.

Noon daw kasing nakapuwesto ang kanyang erpats ay parang humihingi lang ng kendi kung sungkitin ang item na matipohan.

Susmaryosep!

Namihasa naman si pards?!

At ngayon naman, biglang lumamlam ang political career ni ‘papa’ kaya talagang disgusted ang mama ‘este ang ate, ay ano ba talaga??

READ MORE:  May red tape ba Sa Parañaque City Bureau of Permit and Licensing Office?

Kaya naman nang malaman niya na hindi siya mapo-promote ay kontodo reklamo siya na parang nahulog sa kabayong inaangkasan!

Ganern?

Dapat pala kay Leon Guerero umangkas ‘yan para ‘di nahulog!

Sad to say, ganyan talaga ang trend sa kahit saang sangay ng gobyerno.

Dapat flexible ka.

Kung alam mo na ikaw ay hindi “in” ngayon sa kasalukuyang administrasyon. Matuto kang makisayaw kung ayaw mong mawala sa limelight.

READ MORE:  Para kanino ba talaga ang CHR?!

Dapat pagbaliktad ng ikot ng mundo lagi kang kasama para hindi ka maiwan sa pansitan.

Kahit itanong mo ‘yan kay Ms. Mati.

I‘m sure expert siya riyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved