Monday , July 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Xian, nakipagsabayan kay Nathalie sa hubaran
Xian, nakipagsabayan kay Nathalie sa hubaran

Xian, nakipagsabayan kay Nathalie sa hubaran

NAIMBITAHAN kami sa special screening ng pelikulang Sin Island starring Xian Lim, Coleen Garcia and Nathalie Hart na showing na ngayon nationwide from Star Cinema.

Iisa-isahin ko lang, una ay si Xian, walang kiyemeng nakipagsabayan sa   hubaran. Biniro ko nga ang actor na more than pa sa ipinakita nitong kahubdan sa pelikula ang ine-expect kong ipakita niya.

Natawa na lang si Xian sa akin na talagang given naman ang pagiging magaling niyang aktor.

Pangalawa naman si Coleen Garcia na napa-subtle lang ang acting pero ramdam mo ang pain na pinagdaraanan sa kanyang marriage life. Ang seksi niya rin sa isang nakagugulat na eksenang ginawa niya huh.

Pangatlo  si Nathalie Hart na walang kepweng kung ibuyangyang ang kanyang pagka-babae sa pelikula huh. Grabe! Kinaya ko naman siya dahil hindi lang ang pagkakaroon ng magandang mukha at katawan mayroon siya kundi napakahusay pa niyang umarte sa pelikula. Naku!

Napakaraming aabangan sa pelikulang ito ni  Gino Santos. Wala kang sasayanging eksena sa movie. Aabangan mo siya lalo na ang nakagugulat na mga eksena sa last part ng movie. Mamahalin mo talaga ang bawat character sa movie.

REALITY BITES!
ni Dominic Rea

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved