Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angelina, Cruz ang ginamit bilang singer, ‘di sa legal docu
Angelina, Cruz ang ginamit bilang singer, ‘di sa legal docu

Angelina, Cruz ang ginamit bilang singer, ‘di sa legal docu

MATAPOS na maging guest sa isang noontime show, kasama ang ermat niyang si Sunshine Cruz, marami na naman ang nagtatanong kung bakit “Cruz” ang ginamit na apelyido ni Angelina at hindi Montano na siyang ginagamit na apelyido ng tatay niya, o Manhilot na tunay niyong apelyido.

READ MORE:  Cesar, susunod na isasalang sa Blue Ribbon Committee

Matagal nang napag-usapan iyan. Pumasok si Angelina sa showbusiness bilang isang singer. Una mas madaling matandaan ang apelyidong “Cruz” dahil common. Isa pa, mahaba ang kaugnayan ng pamilyang Cruz sa musika, simula pa sa kanilang ninunong si Tirso Cruz, na isa sa mga nagsimula ng “big band” music sa ating bansa. Kilala rin sila sa abroad, at itinuloy iyon ng tatay ni Ricky Belmonte at lolo ni Sunshine na si Carding Cruz, na kilala rin internationally. Basta musika, lamang ang pangalang “Cruz” kaya bakit hindi iyon gagamitin ni Angelina eh may karapatan din naman siya.

READ MORE:  Bagong van ni Sunshine, nai-deliver na
READ MORE:  Sunshine, ‘di exhibitionist (kaya nagpapa-sexy)

Isa pa, ginagamit lang niya iyon bilang singer, hindi naman sa mga legal documents niya.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved