Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Yasmien, kinarir ang pagiging AIDS victim
Yasmien, kinarir ang pagiging AIDS victim

Yasmien, kinarir ang pagiging AIDS victim

KINARIR ni Yasmien Kurdi ang pagre-research tungkol sa AIDS tulad ng pagdalo sa seminar sa Philippine National AIDS Council (PNAC) para makasalamuha ang mga taong may HIV kasama si Mike Tan. Nag-effort sila para magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa AIDS para magamit nila sa kanilang bagong teleserye.

READ MORE:  Magdiriwang ng Valentine’s Day umiwas sa porno, unsafe sex

Ayon kay Yasmien, may nakausap at nakilala siyang may AIDS. “Yes, mayroon din siyang asawa’t dalawang anak. At kasal pa rin sila ng husband niya until now. Perfect timing ang pagpapalabas ng teleserye namin dahil lalo pang tumataas ang bilang ng mga Pinoy na mayroong HIV/AIDS.”

“This will help everybody, may AIDS man o wala para mas maging aware ang mga kababayan natin. Dito rin nila malalaman kung paano ba talaga maiiwasan ang HIV. At kung mayroon ka na, marami silang matututuhan sa show.

READ MORE:  Yasmien at Rey, ‘di isyu ang loyalty at faithfulness
READ MORE:  Lee Seung Gi, mas sikat daw kay Lee Min Ho sa Korea

“Yes, hindi siya maku-cure pero tuturuan sila kung paano aalagaan ang katawan nila at hindi ka dapat ma-depress. Dapat talaga ask for help, lalo na sa family mo,” pagtatapos ni Yasmien.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

 

 

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved