Monday , July 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Slam Dunk title nilipad ni Mitchell; Booker, bagong hari ng tres
Slam Dunk title nilipad ni Mitchell; Booker, bagong hari ng tres

Slam Dunk title nilipad ni Mitchell; Booker, bagong hari ng tres

BAGONG mga hari ang kinoronahan sa Skills Challenge, Three Point Contest at Slam Dunk Competition kahapon para sa mainit na ikalawang araw ng 2018 National Basketball Association (NBA) All Star Weekend sa Staples Center sa Los Angeles, California.

Ginapi ni Devin Booker ng Phoenix Suns ang dating kampeon na si Klay Thompson ng Golden State gayondin ang finalist na si Tobias Harris ng Los Angeles Clippers sa three-point contest sa paglista ng bagong rekord na 28 puntos.

Nabura ni Booker ang 27 puntos na naitala ni Stephen Curry noong 2015 at Thompson noong 2016 para idagdag sa kanyang koleksiyon ang prestihiyosong 3-point contest.

Magugunitang noong nakaraang taon ay umiskor si Booker ng pambihirang 70 puntos at ngayon ay kumakamada ng ika-12 sa buong NBA na 24.2 puntos kada laro.

Kinapos si Thompson sa 25 puntos habang nagkasya sa 17 puntos si Harris sa Final round.

Samantala, inilipad ng Utah Jazz rookie na si Donavan Mit­chell ang slam dunk trophy matapos talunin sa finals si Larry Nance Jr., ng Cleveland Ca­valiers.

Nagtarak si Mitchell ng 50 puntos sa unang dakdak at sinundan ito ng 48 puntos sa ika­lawang dakdak na isang windmill jam, alay niya sa slam dunk legend na si Vince Carter.

Nagtapos siya sa 98 puntos upang daigin ang 96 puntos ni Nance Jr., na nagbigay-pugay din sa kanyang amang si Nance Sr., na nag-kampeon noong 1984 slam dunk contest.

Sa skills challenge ay tinalo ni Spencer Dinwiddie ng Brooklyn Nets si Lauri Markkanen ng Chicago Bulls.

Kamakalawa, nagwagi ang Team World kontra sa Team USA sa unang araw ng All Star Weekend na Rising Stars Challenge. Ngayon gaganapin ang pinakainaabangang All Star Games sa pagitan ng Team Le­bron James kontra sa Team Stephen Curry.

 

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved